- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
kamusta? kamusta? maligaya ka na ba? may nagawa ba ang pagbating napakarami? busog na ba sa rami ng chibog? panalong-panalo na ba sa dami ng regalo? pwede na bang ibangko ang dami ng aguinaldo? masaya ka ba ngayong pasko?
Sige, baka nagtataka ka pa ng kaunti. Baka nasa isip mo "may diyos pala tong si Gelo?" o di kaya'y "nagpapasko pala ang mga demonyo?" o kaya naman ay "may sinasanto pala ang mga diyos na gaya ni Gelo?" . OO! MERON! At kagabi/kanina, gagawa sana 'ko ng blog. E nasa isip ko, ambilis nga ng panahon. So sige, dahil feeling ko ay malikhain ako, naghanap ako ng kantang angkop sa blog ko, na angkop na rin sa panahong ito. Kaya sige, "pasko na naman, o kay tulin ng araw!" o diba? sakto! syempre kulang. search search. GLOC9 PALA yung pinangangaroling ng mga bata. search search. heto:
Chorus: pasko na naman, o kay tulin ng araw.
Paskong nagdaan tila bago kaylan lang.
Ngayon ay pasko dapat pasalamatan.
Ngayon ay pasko tayo ay mag awitan.
Verse 1: nasubukan mo na bang mangarolin pag pasko sa tabi ng riles
Sa kahirapan ng buhay laging gulay noche buena mo ay dilis.
Lumalamig ang simoy ng hangin pero wala ka namang jacket.
Kung trabaho ko lang ay maid na wala kang pera pero teka muna ni wala ka ngang wallet!
Habang lahat ay nag shoshopping wala kang magawa kundi humimbing.
At pagkagising kayod para makakain laging sinasalubong ng hangin.
At ano ba sa palagay mo ang dapat na gawin ng isang tulad,
Ko na sa pasko ay mas mabuti pang mabingi at mabulag,
Habang inaawit ang (chorus 2x)
Verse 2: habang ang mga ibang bata'y puro bago at sa kapatid moy luma
Sabihin mo sakin kung pano ko pipigilin ang luha.
Pero teka lang meron nang pambili ng bigas na hindi pwedeng pangregalo.
Kahit ano gawin ay madilim parin kasi naputulan na kami ng meralco.
Hindi makapagsimba ka si ko nawalan ng pamasahe
Tuwing may handaan ay laging hindi ka makasali
Pati na mga namamalimos na mga bata sa kalsada
Hanggang sa susunod na pasko ay may magbago sana, para makaawit ng (chorus 3x)
grabe. napakalungkot pala ng kantang ito... at kinakanta ito ng mga nangangaroling marahil ganyan nga rin ang nararanasan..
PERO... Chorus lang ang kinakanta ng mga ito... Ang galing diba? Hindi mo nakikita ang galing dito? Ang galing nila! Sino nga naman ba ang kakanta ng buong kanta na yan? Hindi sila nangangaroling para humingi ng awa (na mukha rin naman). Edi sana namalimos na lamang sila. Nangangaroling sila para magsaya. At pag-uwi nila, ngiti, saya, maligayang pasko ang makakamtan ng mga batang ito sa piso pataas na ibibigay ng bawat tahanan na kanilang aawitan,
ang korni ko no? paskong pasko nagpapaawa. ang korni talaga. puro kahirapan ang nalalaman. Pero hinde! Tayo diyan na sa tingin ay hindi maligaya ang ating kapaskuhan, paliligayahin ko kayo! bwahaha. Sabi ko nga nang tanungin ako ng isang maharlikang kaibigan, "happiness is a state of mind. tama ba?" (pero malamang narinig ko na rin yan sa iba). Kaya ngiti naman tayo diyan. Sabi ng nakatatanda nuon, masaya daw si Kristo kapag masaya ang mga tao. Para sa birthday boy, magsaya tayo! state of mind nga diba? May masmalas sa atin. Pero nagagawa nilang magsaya. Pano pa tayo? Magsaya tayo! Kulang na pamilya? andito naman ako! de. kaya yan. may dahilan daw yan. Walang regalo? ok lang yan! it's better to give than to receive! Walang rinegaluhan? de. tama lang yan. malungkot ka! de. regaluhan mo nalang ang birthday boy ng pagmamahal. naks. ang korni ko talaga. ge na! ngiti nalang tayo diyan :D
Sabi nila, SMILE IS THE SHORTEST DISTANCE BETWEEN TWO PEOPLE. kaya ngiti naman tayo diyan! at sabi rin nga nila, it's better to give than to receive nga! alam na! dali para ngumiti rin ako :(
No comments:
Post a Comment