This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, January 30, 2009

Blog sa Hindi PagbaBlog

BLOG - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
haaay. tagal ko nang di nagbablog. survey pa yung last... tanong ko, "bakit?" sagot ko:

1. WALANG INTERNET! lintek. lampas isang linggo nang walang internet. (eto nasa comp shop lang ako). bwiset talaga. sana pag-uwi ko mamaya ay ayos na. smartbro kasi eh. di naipadala nang maayos ung bill, edi di nabayaran, edi naputulan, edi ayan. nung binalik na, wala na, sira na. feeling ko may virus na rin ung pc.. o baka di rin, kasi kapag sa laptop la rin. o lintek, sana maayos na. araw-araw tuloy, tuwing lunch break ko, dun ako sa Eng'g lib 2 nagnenet. kaawa-awa.

2. WALA NA'KONG TIWALA SA PAGSUSULAT KO. haha. feeling ko e di na 'ko marunong magsulat (kung naging marunong man). basta. bwiset kasing English prof. nakakadiscourage. di ako malayang nakakasulat, kailangan nagsusulat lang ako para sa kanya. buti sana kung mala-pasa ako magsulat, baka 100 na ko dun. eto ngang mga essay ko e ambababa. tipong 16/20, tas ung first major paper ay 80 lang. :( kaawa-awa. tas kung makakomento pa, ARAY, parang sana di nalang ako nagsulat! haha. ayan. la na 'kong tiwala haha. napaparanoid na rin ako mag-english kasi tadtad ng bilog ung mga pinapasa kong paper (ibig sabihin, mali daw ng usage, grammar). haha lintek.

3. WALA LANG TALAGA AKONG MAISIP. ewan. haha. pag nakakaisip naman, linalagay ko sa cellphone. pero nawawala rin. ayun. saka baka nagparadigm shift na ko (lol). di na ko mablog, aral na lang. hahay. korni kasi ng buhay.

*sa mga up students jan na di pa bumoboto, boto na. hanggang ngayon nalang yata yun. YES ang boto ko kung inyong itatanong, kasi wala naman yatang nagsasabing magNO ako, atbpng rason. kayo, magYES na rin.. para "cool". . pero sige lang, kung NO, para maiba, para magkathrill sa up, para dumami ang rally, para magtaas ang tuition, at marami pang iba.

andaming movies na nakatambak sa bahay, nakakatamad manuod : SEVEN POUNDS, DOUBT, THE WRESTLER, ZACK AND MIRI MAKE PORNO, VICKY CRISTINA BARCELONA, THE STRANGERS, BROKEBACK MNTN, ROCKNROLLA, tas mga kakupalang diniL ng kapatid kong matanda.

acads..... wala lang. so far so good sa math (lahat ng grades ko sa tatlong LE ay masmataas sa pinakamataas kong grade nung last sem BWAHAHA yabang). so far so bad sa socsci1. may dalawang assignment na di napasa/nagawa. kaisa-isahang quiz, namiss. first exam = bagsak malamang. salamat nga pala kay Rose sa pag-aalok sakin ng mga kasagutang malugod ko namang tinanggap. at kapag ako ang mag-aalok, itatama nya pa. hahaha. nakakamiss ang HS, sige lang sa kopyahan. e sa college, pakiramdaman pa... baka nga isumbong pa kami nung ibang lecheng nakakarinig saming nagkokopyahan. WAG NAMAN. ayoko pang makickout.... sa MS 1.. ayun, lintek na project.. depende sa course nga kasi. edi ung amin, parang database na ewan. malay ko ba kung pano yun. haha. go grpmates. sa Eng1, ayun nga, panget ng grades.. nga pala, PENGE NG TOPIC SA EXPOSITORY ESSAY.. ang sinusuggest pa niya ay ung me kinalaman sa course ko, e wala nga akong alam sa kurso ko! sa philo1... ayun. masaya. tawa lang nang tawa habang nagdedebate. haha. ansaya pala magdebate, LALO NA KUNG PWEDE MAGFILIPINO. yun. math 53 midterms sa monday. good luck.

pasensya sa pagsasayang ng oras niyo. salamat sa pakikinig niyo. walang anuman sa salamat niyo.

No comments: