KKKHHRRKKCH!
PWEH!
*whistle*
ipon laway/plema
dura
dedma
yan ang lintik na durara. Inis. INIS! Kaya nagkalat ang sakit eh! bwisit. di ba sila nahihiya kapag ginagawa nila 'yun? Bwiset. Oo tinry ko na yun ONCE. kasi meron talaga akong bwisit na problema sa baga at nung panahon na yun ay tadtad ako ng plema. Naaalala ko pa, patawid ako papuntang trinoma nun saka ko inubo, at no choice, KESA LUNUKIN, dinura ko ung putaraming plema sa may damuhan. ................. KADIRI NO? Baka nga naman ganon rin ang nangyayari sa kanila... haha. asa. basta dura nalang nang dura eh. walang modo.
sige palalain pa natin.
NO $*#@!&% LITTERING! ta. mapakendi-wrapper o supot ng kung ano, TINATAPON. nung isang araw, may anak ung mag-asawang pasahero sa jeep. May kinuha sa isang supot, saka tinapon ung supot sa labas. Kanina, bumili ako ng buko juice dahil mainit, sumakay ako sa jeep na may dalang buko juice. Naubos ko ung buko juice. Hinawakan ko lang. Habang bumabiyahe ang jip, may pumarang isang babae at isang lalaking umiinom ng buko juice. Umakyat ung babae. Umakyat ung lalaki, at tinapon ang cup ng buko juice sa kalsada. Nagalit ung babae, di naman nagalit, pinagsabihan lang. Kung tama ang pagkakarinig ko, depensa nung lalaki, "Plastic cup lang naman e. Mawawala rin yan."
WTF?! ?!?!?!?!?!?! nakakainis. siguro nga tinuruan ako sa skul na bawal magkalat. PERO ISKOLAR NG BAYAN DIN SIYA. at mataas din ang pinag-aralan. anak ng. BAKIT BA HINDI MAGAWANG ITAGO MUNA ANG BASURA, SAKA ITAPON KAPAG MAY MAKITA NANG BASURAHAN!? ANG HIRAP BANG GAWIN!? ANG ARTE!! BWISET! Bukod sa MAKALAT AT MADUMI NANG TIGNAN, PANIRA PA NG KALIKASAN! HAY TAO!
--- galit sa literista (taong naglilitter?).
6 comments:
lol! hahaha. naimagine ko yung 'tunog'. ahaha.
hahaha uuy ginawa. haha
yuck!! haha. pero dati pinaguusapan namin yun ng kaybigan ko. bakit daw yung ga drivers pag dumura parang straight to the ground. HAHA!
haha. may pwersa. haha. try mo. parang titanic. haha
yuck lalo. HAHA.
gusto ko 'tong blog na to......................................tulad ng pagka gusto ko sa'yo :D hahahhaha jo-ann 'to :D
Post a Comment