This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, March 11, 2009

Ikaw Ay Pang-uri.

Susulat muli ako sa pagtatangkang pagandahin ang aking imahe.



Hindi ko alam pero ngayon, parang mas naging sensitive na 'ko sa mga salitang bobo at tanga. Sensitive kasi masnasasaktan, at sensitive kasi mas onti na ung paggamit ko dito. Nagugulat na nga lang ako kapag may magsabi sa'king ambobo ni ganto, ni ganyan. La. Kung meron mang naituro ang nanay ko sa'kin, yun ay H'WAG MANGHUSGA o MANGLABEL. Kung siguro ganon man ako nung high school, palagay ko ngayon hindi na. Napag-usapan nga namin minsan ng isang kaibigan, napaka-immature ng pambabackstab. Tumanda at nagtanda na kami.



Ilagay natin sa mga sitwasyon.

MAY KAUSAP KA, SASABIHIN NIYA:



TANGA! Ambobo mo!



Kung pabiro.... hmm.. sige lang, wag lang sobra..

Kung seryoso.... diba aray? Parang "ganon mo ba kong kakilala para tawaging bobo?" Takte. Hindi ako nabuhay ng ilang taon para lang matawag na bobo. Ikaw ang bobo!



Ambobo talaga ng best friend mo.



Diba aray ulit? Hmm... syempre ipagtatanggol ko 'yun. Kahit wala pa ung "best", ipagtatanggol ko yun. Aba hayop siya. Kapal. Bwiset.



Ambobo ng kaaway mo



Diba ayos? ... Sa una, ayos. Pero sakin ngayon, hindi na. May kung anong bahagi ko na nagsasabing "Ang sama mo naman. Kahit kaaway ko yun, di mo basta nalang pedeng tawaging bobo."



Ambobo ng shota mo.



Alam na. GIYERA NA.



Ambobo ko.



"Okay."





----------------------------------------------------------

Haha. napakamakasarili ko talaga. `




------------------------------------------
haha, lahat ng nasa itaas ay tinype ko kagabi/kamadalingaraw hanggang sa makatulog ako. kaya di napost... try ko ituloy.
------------------------------------------

Andali niyan e. Tinuro satin ng ating mga guro nung nasa unang bahagdan palang tayo ng elementarya kung pano maglarawan... na medyo minanipula ng demonyo.... naging panghuhusga. Sige ayos lang kapag pisikal eh. "Negro siya." -kinalat sa buong community. Sabay binakstab na siya na negro siya. Wala na siyang magagawa dun. At "SO WHAT?" 'Yun ang bigay e. Kailangan nalang tanggapin. Pero kung yung moral at kalooban mo na ang tirahin, ay ewan ko nalang. "Bato ang puso niya." Aray. Diba parang kinahon mo na yung tao.
Ang pisikal na katangian ng tao ay madaling ilarawan sa pamamagitan lamang ng five senses.
Pero ung kalooban, wala kang pangkapa. Mahirap ilarawan. Kung mailalarawan mo man, base lamang sa personal na nararamdaman mo sa ginawa niya. Kung sa tingin mo, masungit si ganito. Sa iba, maaaring di naman. At isa pa, nagbabago naman ang kalooban ng tao. Hindi mo kita lahat ng meron sa isang tao, kaya wala kang karapatang manghusga. Wala kang karapatang ikahon ang isang tao. Dahil tao siya, at (sa ngayon) hindi mo malalaman ang lahat sa kanya.

O ano, ampang-uri ko ba?

5 comments:

Samee said...

haha yes, mabuti yan.. masakit na din sa tenga kasi minsan yung ganon. get your own life. dapat ikaw ang pinag-uusapan, not the other way around. :]]

Gelo said...

haha, ganon ba yun. para sikat? haha. ang selfish ko masyado yata kung ganon haha.

Samee said...

haha. wala lang. kasi kaya yung iba siguro malakas mambackstab kasi wala pa silang nagagawang big deal sa buhay nila. play-it-safers siguro. di mo naman sasadyain na 'pag-usapan'. ewan, if you have your own life it happens anyway... di ba?

Gelo said...

ooh haha. your story is better than theirs ganon? haha pede.

Samee said...

haha. yeah! exactly! la lang.