Rason ng buhay? Bakit nabubuhay? Para saan nabubuhay?
Sus tinanong na yan ng napakarami pang kyuryus matagal na matagal na bago pa mabuo sa isipan ko 'yan. Ang slow ko. Pero sige lang.
Ito ay pawang piksyon lamang.
"Paglaki ko, gusto ko maging kagaya ni Mama."
Kasi may trabaho. Kasi mapera. Kasi may pamilya.
"Paglaki ko, gusto ko maging kagaya ni Daddy."
Kasi nagyoyosi. Kasi lasinggero. Kasi may dubi.
"Ang sama ni Daddy, napakamabuti ni Mama."
'Yan siguro ang sasabihin ng kanilang mga kakilala.
Sasagot sila "E pakialam niyo ba?"
Nagsasaya naman daw kasi silang dalawa.
"Masaya ang may trabaho."
May bos kang tatarantaduhin, o ikaw ang bos na tinatarantado.
"Masaya rin ang pagyoyosi."
Hithit, init, baga, bugha, saka ngingiti.
"Masayang magkapamilya."
Piling mo normal ka, may drama, masayang mag-alaga.
"Masaya rin maging lasinggero."
Masaya kayong mag-iinuman, susuka, sabay manggagago.
"Masaya ang may pera."
Gasta sa sapatos, gasta sa damit, gasta sa bahay at lupa.
"Masaya rin gumamit ng dubi."
Hithit. Bugha. Hithit. Bugha. Sabay 10 seconds, nasa langit na. O isa pa.
Pareho silang masaya, si daddy at mama.
Pero ako hinde. Ayoko pala maging kagaya nila.
E ano kung may yosi, may dubi, may kotse o may lupa.
Kung nag-iisa, parang lahat bale wala.
Walang pinagkaiba ang taong ginugol ang buhay kakaaral, kakapayaman, sa taong inubos ang oras kakahithit ng droga sa kwarto. Siguro nga masaya kapag nagyosi, o kapag may bagong gamit. Pero masmasaya siguro, kung magmamahal. Turuan nyo 'ko.
No comments:
Post a Comment