Kailangan bang may dahilan ang lahat?
Hindi ba pwedeng "wala lang"?
Kanina nang magtext ang isang kaklase (na never ko namang naging kaklase) kung nasaan ako, sinabi ko kung nasaan ako. Kaso nakulangan ako. Gusto kong lagyan ng "BAKIT?" Nagdalawang-isip ako. At yun, sabi ko nga, "bakit?"
Ano'ng meron? Bakit kailangan pag-usapan ang salitang "Bakit?" Bakit ba 'ko nagsusulat o nagtatype? Bakit ka ba nagtatanong? Bakit ba bakit?
Wala lang.
Meron pala. Kapag magyayaya kasi akong lumabas, ang pinaka-ayaw kong mareceive na sagot ay "BAKIT?" Kung ayaw mo 'kong kasama edi sabihin mo nalang na 'di ka pede, mag-imbento ka ng rason, gaya ng ginagawa ng halos lahat ng may ayaw. Ang "bakit" ay tanong lamang ng cynic o ng curious. (baka mali tong statement na to.) "Gateway tayo." "Bakit?" "Gahasain kita." Takte. Wala nang baket-baket kasi kung halata naman ang sagot. Gusto lang o ayaW.
Meron pala. Ang "Bakit" ay pampakumplika ng buhay o pampagaan ng buhay, depende sa magtatanong o sa tatanungin. Mahihirapan ka lang kung di ka interesado. Mamamangha ka pa siguro kung trip mo. Kapag tinanong ko sa isang geologist kung bakit igneous rock ang isang igneous rock, papahirapan ko lang sarili ko dahil wala naman akong pake.
Meron pala. Hindi kasi lahat ng tao ay kayang sumagot sa tanong na "Bakit?". Bukod sa "Paano," "Bakit" ang pinaka-ayaw kong tanong sa exam at sa buhay. Minsan mahirap sagutin, minsan 'di talaga masagot, minsan ayaw lang sagutin.
Kaya wag nalang. Wag nalang ipagpilitan ang "Bakit." Kanya-kanyang sagot yan, at kanya-kanyang dahilan kung sasagutin ng tao ang tanong o hindi. Darating rin o hindi ang araw na hindi mo na kailangan pang magtanong kung bakit. Kusa nalang silang lalapit sa'yo. Mag-antay lang.
Wala lang.
-==============
taena ampanget.
No comments:
Post a Comment