This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Monday, June 29, 2009

Doctor Quack Quack

Kanina, mag-isa akong pumuntang doctor. Una, St. Luke's. Doon kasi ung Pedia-Pulmo ko. The Medical City naman ang next stop kaya lang magtetwelve na at aabutin na ko ng lunch break nung health insurance kaya nagGalle muna ako at saka pumuntang Medical City para magpaderma. Sinabihan ako ng derma na magpunta sa isang general surgeon kung gusto kong ipatanggal ung pinapatanggal niya, at yun nga ang ginawa ko. Di ko na nga lang naantay kasi may pupuntahan pa ako.

Parang ni minsan, HINDI SUMAGI sa isipan ko na maging doctor. Takot ako sa dugo. Takot ako sa hayop. Pero hindi ako takot sa doktor. Pero bilib ako sa kanila. Pati sa mga nursing students. Gawa na ang daang tatahakin nila. Nag-aaral sila para maging nurse, para sa field ng medisina. Magaling. Nakakainggit. Tas ung mga doktor talaga, alam ang gagawin. May titignan lang na kung ano, alam na agad ang kung anong problema, at yung problema na yun ay binubuo ng maraming titik na pinagsama-sama para makabuo ng isang komplikadong salita na aayunan naman ng gamot na may ganon kakomplikado ring pagsasama ng mga titik. Hayop na memorya. Hayop na kamay. Hayop na husay. Wala lang. idol. Malamang, ilang taon silang nagmukmok sa mesa kaka-aral. Lubos na pokus, tiyaga at dedikasyon ang binuhos nila para maging kung ano sila. Malamang. O baka hindi rin. Kung hinde, masmagaling. idol talaga.

2 comments:

Samantha said...

haha. idol talaga! di ko maimagine si hayden kung pano naging doktor. joooke. :] di talaga pumasok sa isip ko mag-med. kaya pag may kilala akong nagiisip mag-med todo "go" ako eh. parang pinaka-matalinong propesyon.. :]

Gelo said...

pero totoo. feeling ko talaga dinaya lang ung kay hayden. haha. ang yabang ko pero parang ganon na nga. tas may sinasabi pa si katrina halili na dapat daw hindi pa nakakapaglipo si hayden dahil 6 months pa lang since napass nya ung board. blabla. basta. duda talaga ko dun kay hk lalo na't tanyag pala ang ama nya.
OH WELL, IDOL na rin.
haha oo nga. sana maging doktor si russel.