This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, June 16, 2009

Langit, Lupa

Ang pagiging bukas sa isa't-isa ay isang mahalagang sangkap sa isang matagumpay na relasyon - mapa-pamilya, kasintahan, o kaibigan. 2nd year high school retreat nang una akong makaranas ng isang open forum sa pagitan ng magkakaklase. 3rd year high school retreat naman nang bigyan kami ng isang notebook na susulatan ng bawat kaklase, lalagyan ng mabuti at masamang katangian. Kamakailan lang, ginawa naming magkakaibigan (35) pareho, nag-open forum at nagsabihan ng gusto at kinaiinisan sa bawat isa. Hindi para makasira ng pagkatao o makapagpalaki ng ulo, kundi para makita namin ang aming sarili sa mata ng ibang tao.

Dumating ang aking pagkakataon. May mga salitang lumabas na 'di ko naman gustong marinig tulad ng pagkatalino, pagiging independent, at galing sa pagsusulat. Tingin ko kasi hindi 'yun mga positibong bagay para sa'king pakikipagkapwa. May mga salitang lumabas na ako, sa sarili ko, e alam ko. May isang salita raw ako (salamat at naappreciate), may prinsipyong pinanghahawakan, na hindi ako makuwento o malapit sa pamilya. At may mga salitang lumabas na 'di ko ganoong inasahan. Mas okay sa okay daw akong kaibigan, ambilis ko raw mag-evolve, antaas ko daw. Bihira kung ituring ko ang sarili ko bilang isang mabuting kaibigan, siguro mabait, pero hindi mabuti. Palagi akong nakakahanap ng lamat sa aking sarili bilang kaibigan. Tingin ko kayang-kaya naman akong palitan ng maraming tao. Madami diyang masmasaya kasama, masmasarap kausap, masmakabuluhan magpayo, masmapagbigay sa oras. Ako, wala lang.
Pero lahat ng 'yan ay relative. RELATIVE (mahalagang salita iyan). Ang sinasabi nilang taas ko ay relative. Ang anila'y bilis kong pag-evolve ay relative. Ang tingin ko sa sarili kong mahinang kaibigan ay relative. Relative sapagkat depende ito sa tao. Depende sa tao kung titignan nila ang ibang tao bilang langit na kahit anong talon ay di nila maabot o lupang habang buhay inaapakan. Tingin ko masamang tignan ang iba bilang lupa. Mayabang yon, mapagmataas at laging namimintas. Buti sana kung tataniman mo ang lupang iyon ng halaman na lalaki, lalago, at maabot ka (oa na sa analogy). Tingin ko, hindi naman masamang ituri ang ibang tao na langit. Hindi masamang humanga. Ang masama lang e yung sa sobrang paghanga mo e di mo na malapitan ang Langit mong itinuturing dahil antaas niya at ambaba mo. At di magtatagal, mauunawaan mong di mo siya kayang abutin at isa ka lamang mababang nilalang. Emo ka na. Iyak na lang.
Pero lahat nga ng 'yan ay sa paraan lamang ng pagtingin. Pede ka namang hindi tumingin sa langit o sa lupa. Pede kang tumingin ng diretso. Tignan ang tao bilang kapwa tao, kasama mo sa ibabaw ng lupa at ilalim ng langit. Nang sa gayon e pantay-pantay ang lahat. Walang takot para di makalapit. Walang yabang para magtayo ng pader. Walang limitasyon sa pakikihalubilo. Tao lang, kasama mo rito. At pagka namatay, saka mo iiwan - ang katawan mo sa lupa, at ang kaluluwa sa langit.

5 comments:

Samantha said...

tae. sabay sinasabi mong hindi ka magaling magsulat! HAHA. kidding. :] ganda naman nito!! (walang bahid ng Langit ang pagtingin). so gusto mo approachable ka? ewan parang ang weird ng mga sinabi mo. bihira ang magsabi ng see me as a person. lagi na lang kasi 'respect me, adore me'. at about being a good friend tama relative nga. baka may certain sides of you na gusto ng iba kaya nila nasasabing good friend ka.

Gelo said...

@gusto approachable, oo naman!bihira ba?... e. ba yan. pang mga artista lang yang 'respect me, adore me' na yan. actually, yan nga lang siguro ung mga sinasabi niyong minsan lang makatikim. mga may gusto pang patunayan. inaangat pa ang sarili. ayun. maganda sana nga kung pantay-pantay ang tingin ng isa sa iba. though di ko naman sinasabing ganon ako. masmaganda lang kung ganon.

Samantha said...

haha sana nga posible. maraming magagandang pagbabago pag nangyari yun.. parang world peace na nga eh. haha.

Aylene said...

ang PROFOUND! (ano ulit ibig sabihin nun? haha :P)

pero maraming beses nasabi ko. "yehess, may point si gelo dun!" kaya feeling ko tumalino at bumait ako ng 5 percent dahil nabasa ko to eh. Feeling ko lang naman. haha.

Gelo said...

aylene,
yehes napadpad ka rito ah. haha feeling na naman.