This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Monday, June 22, 2009

Ramdam ang...Katamaran.

Hindi ko pa maramdaman ang school. Hindi pa 'ko nakakapag-adjust maigi mula sa mahabang break. Ayoko ng ganitong feeling, 'yung parang napaka bago mo sa isang environment. Mahirap gumalaw.

Econ 100.2.
Ambilis magturo.. siguro. Pero nasa book naman lahat. Kaya lang, wala akong libro. Kasama ko naman si Den kaya okay naman.
Econ 100.2 DISC.
Ang ganda ng room. Parang pang-ibang bansang paaralan. Yung may elevation per row. Kaya lang nasira ang kasayahan nang biglang kunin ni ma'am ang class list at inisa-isa sa recitation ang lahat. A pa naman ang apelyido ko. Mali ang sagot ko pero nag-ok siya. Sige. Ayos na rin. Masmadaling matuto pag nagrerecite at kapag nakikita mo na mali ang iba.

Comm 3.
Ayos lang. Nasasakal pa rin ako kasi COMMUNICATION subject ito. interactive dapat. tapos may kagroup ako last year na kaklase, at di kami nagpapansinan. Tapos may mga taga-Xavier na freshies na maingay, as in mahilig kumausap sa teacher at magrecite. nakaka-intimidate. nakakahiya, talo ng freshie. nakakatulog rin ako... papikit-pikit.

Pan Pil 19.
absent ako noong unang araw. Pumasok ako nung ikalawang meeting. Pagpasok ko, medyo marami ang tao. 'Di dumating ang titser. Nagplay ng pelikula. Bayaning 3rd World. Tungkol ito kay Rizal. Tinanong ko 'yung katabi ko kung may pinagawa ba na kung ano. Sabi niya magresearch daw ng isang kakaibang kwento tungkol kay Rizal at gawan ito ng reaksyon. Medyo nakakatulog ako habang nanunuod. Di ko rin naman kasi ga'nong maintindihan ung palabas. Medyo nakakatawa paminsan. Pero nakakaantok. oldie. Sabay kanina, ine-mail ko si ma'am. Tapos nag-e-mail siya.
"Anong Rizal?sigurado kabangPP 19 ang klase mo?Baka dapat sa PI 100 ka.
Pumasok ka na sa susunod at wag mag-absent.Kung magtatanong ka sa akin na lang at di sa katabi mong mukhang absent din katulad mo.Walang klase dapat nung thursday"
Haha. Antanga lang. 'Di ko alam kung mali ba yung room na pinasok ko o sadyang kinuha lang nila ung room dahil wala naman daw kaming klase noon.

Eng 11.
Isang beses pa lang kami nagkikita. OTB siya. First time ko yata magkatitser na ganon. Pina-upo niya sa gitna lahat ng studyante. Gitnang-gitna naman ako. Magiging masaya siguro to. Terror daw sya dati. Pero nagkaproblema sa puso kaya magiging magaan nalang daw siya. Yehey.

Stat 101.
Ang hina ko. Medyo di ko magets agad 'yung tinuturo niya. lintek na. Ayos lang. Salamat sa course notes o kung anuman yun noel. Buti madali assignment... at by group. Hay.

PE 2 STD.
di ako marunong maggroove. parantanga lang pag pinapanuod ko sa salamin. putakte. medyo sumasama na rin siguro tingin sakin ni kuya von coach von sir von o kung anumang von. Nakapantalon kasi ako nung 2nd meeting, e sabi nya bawal yun.

MPs 10.
Wala si prof nung unang meeting. Nag-iwan ng note, sabi sa Friday nalang daw. Wala rin siya nung Friday. Nag-iwan ng note. Pumunta daw ako sa blabla. Pumunta ako. Nagsign ng attendance tas may kinuhang biodata form. Tapos pinapunta ako sa xeroxan sa 3169. yun. nobela yata yun. Hay. Akala ko ansaya ko dahil 3 mtg pa na wala siya. Kaso PARANG andaming pinapagawa. magreresearch pa 'ko nang husto tungkol sa isang city. andaming hinahanap. sikat na artista yata. exotic food. etc. Antipolo o Angono nalang siguro.. City na ba Angono?

Wala pa yata ako sa kondisyon pumasok. Namimiss ko ang Math Building. Hay. Sana this week, komportable na 'ko at desidido nang mag-aral. Hindi ko alam kung matatandaan ko pa ung binasa ko kanina e. Sana dumating na yung araw na papasok nalang ako basta. 'Yung presko ang utak, walang iniisip. Kung late, yung pagkalate ang iniisip. Kung hinde, yung tinuturo lang ng guro ang iniisip. Basta. Hirap i-explain. Kung ano ako nung mga bandang end part o midsem nung mga nakaraang sem, sana maging ganoon na rin ako ngayon.

Ge. Matutulog na 'ko. Baka malate pa ulit bukas.

1 comment:

Samantha said...

onga eh ngayon ko lang naramdaman ang pagiging competitive sa mga freshies. siyet. ewan ko kung good un. pero yun nga, pride mo na din na dapat mas madaldal ka. malakas kasi loob pag freshie eh. oh well. ibalik ang dating tapang. haha. :]

meron din akong friend na panpil 19 tapos nakwento nia nga na parang pagpunta nia sa room walang tao. haha CoE din siya 3rd year. baka classmate mo. ang cool naman ni prof. fierce! LOL talga, sayang oras kay rizal.

dapat magadjust-adjust na. baka mahuli. grabe kelangan ko nga din ng motivation para gumalaw-galaw. siguro mangangarap na lang ako mag-CS para kahit papano magsipag. ang bilis maka-comfort zone eh. :| nga pala ikaw ba yung nakita ko kanina? haha. baka kumaway ulit ako sa random na tao.