This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Thursday, June 18, 2009

Ssshhh

...

...
(hahahaha)
...

...
(HAHAHAHA!)
...

...
(HAHAHAHAHAHA!)
...

...

Nangyari na 'to dati sa'kin. Naramdaman ko na 'to noon. Tumatawa silang lahat, ako lang ang hindi. Hindi ako makahanap ng rason para tumawa, kahit hiya ay hindi ko maituring dahilan. Dati naman e todo tawa rin ako pagkaganoon ang pinag-uusapan. Ngayon lang talaga hindi. Pero hindi ako nakatanga lang. Nakatingin ako sa malayo. Pero hindi blangko ang isipan. Sa katunayan, tinutuligsa ng aking isipan ang kanilang kinatutuwaan. Pero kaibigan ang kasama. Lahat ay nagtatawanan. Kapag nagsalita ako, ako ang iba. Baka mag-iba pa ang turing sa akin. Kaya sige, tahimik nalang.

...

...

...

Tumigil na ang mga hahaha.
...

...

...
Nabingi si kuyang nagdadrive sa katahimikan. Binuksan nya ang radyo.
...

...


... Salamat, may ibang pedeng isipin.





... ... ...

Naalala ko noong isambeses na naganito rin ako. Magkakatabi silang magkakaibigan, ako nasa dulo. Sila'y nagtatawanan, ako nakatingin sa bintana ng bus. Umuulan pa naman nun. Ang emo tignan. Pero 'di manhid ang kaibigan ko. Nag-eeffort syang libangin ako o kung ano. Nag-eeffort syang magtanong. Pero hindi ako kulang sa pansin, kaya minabuti ko nalang na itigil ang usapan.
Bakit gano'n? Bakit bigla nalang nag-iiba ang paningin ko sa dati kong trip? Kung noong unang magkakilala palang kaming magkakaibigan at ganoon ako, malamang hindi ko sila kasama ngayon.

Malamang may nangyari lang bago yun na nag-iba talaga ng aking pakiramdam. Sabi sa Comm 3 kanina, ang bawat communication ay unique, "unrepeatable". Sa pagkakataong ito, ang mga nakakatuwa noon ay hindi na nakakatuwa ngayon. Kapag ang joke ay nalalaos, ang kasiyahan ay nag-iiba - minsan bumababaw, minsan tumataas. Ngayon e hindi bumenta ang tinda ng mga kaibigan. Nagsawa na 'ko sa tinda nila. Baka sa iba na ako bumili. Hindi na nila ako magiging suki. Pero malay nila, kung sobrang husay nilang maninininda, babalikan at babalikan ko rin sila.

4 comments:

Samantha said...

wag ka na bumalik. it's a backward society... maybe you shouldn't see us as a group na dahil sasama lang ang loob mo.

Anonymous said...

gelo:
haha tinaboy na. siguro nga maganda ung last sentence mo.
wala lang. nagsimula rin ako manahimik nung naramdaman kong may sasabihin si ** tungkol kay **** tas sinipa yata ni ****2 si ** kaya ambilis magtakip ni ** na halata naman. di ako manhid, o baka nagpipiling lang ako na meron.
haha. parang sana di na nga lang ako sumabay. lalala...

Samantha said...

Hahaha naisip ko din na parang tinataboy na naman nga kita. Haha. ahhhmmmmmmm.... oo naalala ko yun (TRIPLE SHIT haha dahil alam ko naman ding napansin mo hay) pero di ko na matandaan kung sino si **** na pinaguusapan. (sino ba? ang hirap ng censored.) eh basta lahat tayo may tinatago sa likod ng iba.. maddiscover un in ugly ways. Sana bumuti ang lahat.

Jr Jr said...

Haha. May mga oras din ako na lahat tumatawa lahat tapos ako hindi, tipong seryoso ang dating ko. Oh well, dedma na lang sila. Haha. Pero tama ung lahat ng communication ay different, unrepeatable. Hm, eto, "ang tanging permanente sa mundo ay pagbabago." Tama di ba? Ayun.