May tatlo akong bagay na narealize ngayong araw na 'to. One, impatient ako. To, ang galing ng tao. Three, mamaya na.
Akala ko nun patient ako. May pinanggalingan naman yung akalang iyon. Sabi nga dun sa comm 3, self-knowledge is greatly influenced by others. Nung nagbasa ko one time ng mga palanca letters, siguro 75% ng mga nagsulat ay nagpasalamat dahil tinuruan/pinakopya ko sila sa Math. Tapos sa up friends, palagi akong "vineverbal abuse" ng leader ng group (sa cwts) kaya tinanong ako nung isa kung naiinis ba ako. Ako naman, hinde. Tas one time rin, tinanong din ako ni Torres kung naiinis ba ako sa asar. Hindi naman.
Pero hindi ganong patience ang sinasabi ko. Hindi ko kayang magbago ng tao. Hindi ko gustong magbago ng tao. Wala yata akong panahon para dun. Tingin ko pag sinabi ng isang tao na hindi niya gusto, hindi ko na siya pipilitin. Lalo na kung kilala ko yung tao. Kahit tingin ko pangit ung ginagawa niya, hindi ko tiyatiyagaing i"tama" siya. Una, alam ko namang kanya-kanyang tama at pananaw yan. Ikalawa, ayoko rin namang pinipilit akong magbago (... ngayong inisip ko, okay lang pala para makita ang ibang side). Bahala nalang siya. Baka mag-away pa pag pinilit.
Muli, ang galing nga ng tao. Ang galing ko. Ang galing nila. Ang galing niyo. Matagal na obserbasyon ko na 'to. Minsan kasi kapag gagala, may pineprefer ako na bilang. Kunwari, minsan gusto ko apat lang kami, o tatlo. Minsan masaya naman pag lima o masmarami. Pero minsan kasi, nag-iiba talaga ang ugali ng tao. Halimbawang magkikita ang tinatawag na barkada at wala ang isa, minsan nagiging mas-ok ang pakikitungo ko. Halimbawang napalitan yung isa, minsan mas-ok rin. Halimbawang andun yung pareho, minsan masnaiilang ako. At minsan pag wala pareho, natatahimik na lang ako. Nag-iiba kasi ang ugali nila kapag may nadadagdag. May timpla ang grupo. Minsan kapag wala ang isang sangkap, kulang sa lasa. Minsan pag nasobrahan, pumapanget. Minsan kasi may isang dominanteng tao at may isang hindi. Kapag silang dalawa magkasama, pantay lang. Pero kapag may iba pang sumama, yung ibang sumama na nasa gitna lang, iaangat yung dominante na magpapababa sa hindi. Basta. Iba-iba sa iba-iba.
Ikatlo, akala ko lang yata ang pagiging 3D ko. O kung hindi man, siguro NAGING 3D ako, at ngayo'y nagiging one-sided na. Yan ang naramdaman ko kanina. Ayos naman nung unang magkita-kita. Kaya lang nung medyo nagtagal, parang hindi ko na kinaya. Napaisip ako. Hindi ako makapaniwalang ganito ako dati. Kaya lang naman siguro nila ginagawa yun ay dahil ganoon ako dati. Wala silang kasalanan, ako lang. Malamang mayroong isang pintong nadagdag sa kwarto ko. Pinasok ko yun, at di na ko makabalik sa'king kwarto para bisitahin ang ibang pinto. Mahirap na. Baka unti-unti nang nakakandado yung ibang pintuan. Nagiging one-sided na nga yata ako. Parang may set of values na ako na gusto kong laging nasakin at may set of values na yata akong hinahanap sa iba. At kapag hindi ko malabas yung gusto kong makitang nasakin, o kaya kapag hindi ko mahanap sa iba, parang umaayaw na ako. Hindi ko alam kung pagiging close-minded ba ito. Sana hindi naman. Gusto ko palagi akong open-minded. Yun ay isa sa onting bagay na tingin ko'y lamang sa karaniwan. Kinandado ko na talaga yung ibang pintuan kanina. Kaso nagsalita si Optimus Prime bago magtapos yung pelikula. "Memories of the past contribute much to who you are now." Parang ganyan. Tapos napatigil ako. Gumaan yung pakiramdam ko. Okay na ako pagtapos, balik sa dati't ngiti na.
Naalala ko tuloy, tinuruan tayo kung pano magbilang - one, two, three. Hindi three, two, one.
7 comments:
so narealize mo din na bobo ka na...
lol.
tama yung sa timpla. hahaha. :]
haha, applicable ba yun sa 35? parang di ko maisip.
nagugulat pa din ako pag 35 ang tawag satin. haha. anyway oo sa 35 pwede din. yung pag may wala or pag may nanjan. minsan parang seryoso minsan behaved minsan hindi behaved depende sa kung sino yung nandun or ilan. iba2 kasi trip ng bawat tao.
e kasi ano pa nga ba? haha. tanggap naman na yata nila wesley at kri na ampon sila.
HAHAHA ampanget pakinggan.
anyway, oo nga no parang pag may idagdag ngang isa, may mga nalilimitahan. Pag may tanggalin, may nakukulangan. gulo. haha. sana makahanap ng tamang timpla.
haha. di ko na talaga nakikita yung 35 kasi 3rd year section yun eh. HAHA. si kri at wes no doubt nga. haha. oh well di naman permanent yung mga timpla kaya sasarap din (eh?) :]
Post a Comment