This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, July 17, 2009

Agawan ng Puri

Hindi ko kailangan magka BA o BS Psychology degree para makaintindi ng tao. Tingin ko kaya kong magbasa ng mukha at ng boses. Etong gabing ito, abala ako. Abala sa kakatulong o sa kung ano. Abala sa pag-intindi ng tao. Self-esteem tayo ngayon.

May mga taong mataas ang self-esteem, pero kinakahiyang ilabas ito. May mga taong mataas ang self-esteem, pero gustong ipamahagi pa talaga sa iba. May mga taong mababa ang self-esteem, at kailangan inaangat pa ng iba. At may mga taong mababa ang self-esteem na pilit inaakyat ito.

Una, mataas ang self-esteem ko, pero kinakahiyang ilabas ito. Naiinis talaga ako pag-inaacknowledge ng sobra. ayos lang naman yung onting pag-acknowledge, pero yung sobra't binibida, hay tao. Hay. e proud daw kasi. Eh. Eh. EHH! Iniisip ko kasi ang iisipin ng ibang tao. Baka mayabangan. Ayokong matawag na mayabang.

Pangalawa, mataas ang self-esteem ng isang tao, at sobra pang ipamahagi ito. Sige, nakakabuti rin paminsan, kapag kailangan ng pagtatawanan, pag kailangan ng dadaldal, sige lang. 'Wag lang umabot sa minsang kakailanganin nang laitin at husgahan, saka masasabing mayabang.

Ikatlo, mababa ang self-esteem ng isang tao, at wala siyang balak na iangat pa ito. Kaya naman kapag natapat sa spotlight, unti-unting nagfefetal position, hiyang-hiya. Sa kahit anong lugar na kelangan magsocialize (social beings kaya tayo.. so lahat?!), mahirap ang ganon dahil mayayamot ang tao. Kaya nama'y kailangan talagang palakpakan, iboost ang morale, pakinggan, i-appreciate, bigyang pansin, purihin. Para naman may ipagmayabang.

Ikaapat, mayroong taong mababa ang self-esteem at PILIT ngang itinataas ito. Sige, intindihin, kailangan tumaas ang tingin niya sa sarili niya. Kasi kung hindi, maaapakan siya. Ang problema lang, e kung gano kataas. Minsan kelangan pa talagang ibaba yung ibang tao para lang maiangat ang sarili. At sa sobrang angat e nadadaig pa ang may high self-esteem. Kaya nama'y natuturingang mayabang kahit walang kayang ipagmayabang.

Gayahin niyo 'ko. Humble pero may ipagmamayabang. Hindi na kailangang magpapuri pa.

Tang ina. Sabay nagbuhat ng sariling bangko.

1 comment:

Samantha said...

haha onga eh. joke, okay lang yun. ang sarap talaga magpsyche. feel ko ang layo nia sa socio. feel ko marunong din ako magbasa ng mata at galaw. mabuti nga naman yung "pa-humble" kesa dun sa ibang choices. trivia lang, meron ding "false modesty" na pahumble ka pero deep inside may inaapakan ka na. nyahah. tao.