Takteng MPs10 na yan. Andami kong pedeng sabihin. Noong isang linggo nang magleksyon si ser Patnubay tungkol sa punto de vista, may isang bagay na bumagabag sa akin. Nang sabihin niyang magkaiba ang punto de vista ng babae at lalaki, okay lang eh. Pero nang ipaliwanag pa niya ito lalo, ay, hindi na. Sabi niya, ayon sa mga pagsusuring ginawa ng BBC, madaming pagkakaiba ang babae sa lalaki. Nagpokus kami sa mga SENSES. Ang babae raw, masmalawak ang sakop ng vision kaysa lalaki. Siguro sa lenggwahe ng camera, ang focus ng babae ay INFINITY habang sa lalaki ay MACRO. Kaya kapag babae daw, nakakita ng cute, hindi mapapansing tinititigan niya ito o pinapansin. Pero kapag lalaki, nakakita ng sexy (talagang sexy at hindi cute a), malalaman mo dahil susunod dito ang ulo niya. Pangalawa, ang babae daw, masmalakas ang pang-amoy kaysa sa lalaki. Kita naman siguro sa mga pelikula. Uuwi ang asawang lalaki ng gabi. Naka-abang ang asawang babae sa sala. Papasok ang lalaki't mukhang bugnutin. Sasalubungin ng babae at sasabihing, "Bakit ngayon ka lang? At bakit amoy babae ka?! WALANG HIYA KA! HAYOP KA!" Ikatlo, ang babae raw, kayang makapakinig ng lampas dalawang taong nagsasalita sa isang beses. Habang ang lalaki, isa at, bihirang maging, dalawa lang. Kaya naman kahit bukas na ang tv at may kausap na sa telepono, kaya pa ring makipag-usap sa kumare. E ang lalaki, pag nanuod ng basketball, wala na. Ikaapat, mas sanay daw sa panghahawak at pagpapahawak ang babae. Pag ang babae magkahawak, okay lang. Pag ang lalaki, magkadikit, hinde. Andaya. Ikahuli, masvocal daw talaga ang babae kaysa lalaki. Kapag ang dalawang magbespren na babae, nagsama, hindi pepwedeng tahimik silang dalawa. Kapag ang dalawang magbespren na lalaki, nagsama, baka daw sa isang oras na pagsasama, pag pinagsama-sama mo lahat ng nasabi, 2 minutes lang o mababa pa.
Pilit kong itinatanggi ang lahat habang nakikinig. Sabi ko, may periphery naman ah.. o ako lang ang meron? hindi rin. Pilit kong ginagawang infinity ang focus ng mata ko. Sabi ko, mabilis rin naman ako maka-amoy ng utot ah. Sabi ko, nakakapakinig naman ako ng music habang nakikipagdaldalan ah. Sabi ko, nagsasapakan nga mga lalaki eh, di ba paghawak yun? Sabi ko, pag kasama ko kaibigan kong lalaki, di naman ganon katahimik ah.
Joke lang. Kapag ginawa kong infinity ang focus ng mata ko, nawawalan ako ng focus, staring blankly ika nga. Maaamoy ko lang ang utot pag naamoy na rin nila. Pag kinausap ako sa sinehan, wala na. Wala yung sapakan na yun, lalayo rin pagtapos, asa namang maghawak kamay. At naaalala ko, kapag 1-on-1 nga kami ng isang kaibigang lalaki, kailangan pa ng pwersa para magsalita.
Pero bat ganon, base sa kaibahan, tila lamang ang babae sa lalaki. Lamang talaga. At isa pang pero, biolohikal na kaibahan ang tinitignan. Hindi ito gender inequality, ito ay sex inequality.
Masmalakas malamang ang lipunan kaysa sa genes ng isang tao. Likas na masmalakas (pisikal) rin ang lalaki kaysa babae. At noon, siguro hayop tayo. Lakas ang basihan ng pag-angat. Kaya nama'y nangilalim ang mga babae. Pero ngayon, utak na yata ang pinaiiral. Wala nang masmalakas, yun sana ang pinaglalaban ng mga peminista. 'Yun nga yata ang pinaglalaban ng peminista - gender equality. Pero di lang yun para sa babae. Para rin sa bakla, lesbiana, bi, at kung anong gender pa meron. Dumating na nga tayo sa puntong tanggap na ang mga african-american, maganda ang itim. Darating kaya tayo sa puntong tanggap na ang mga bading, at maganda ang bakla? (Siguro yung pagtanggap, oo. Pero yung maganda, hindi yata. sorry haha) Ang pinagkaiba lang naman ng dalawa, 'yung itim, likas, 'yung bakla, likha. 'Yung likas, gawa ng genes, biological. 'Yung likha, gawa ng lipunan, sociological. At siguro darating nga 'yun. Dahil ngayon e kaya na nating ipaglaban ang pang-aaliping bunga ng lipunan. Inaangat na ng mga babae ang kanilang sarili. Dumadami na yata ang nagtatrabahong babae. Kaya rin sana yan sa ibang isyung panlipunan.
Hindi talaga maiiwasan ang pagkakaiba. Sarili mo nalang ang atupagin mo, at tanggapin nalang ang iba. Dahil kahit anumang pagkakaiba ng tao, dapat, at hindi lang dahil masmaganda, pantay-pantay tayo.
4 comments:
reflection paper ba to sa MPs10 or ganito ka lang talaga magblog? hahaha! :P
akala ko naman ang ganda ng comment, tanong pala. haha.
di. ganto lang talaga. :?
eh gusto ko malaman kung nagsusulat ka ng mga bagay bagay dahil gusto mo or kailangan mo lang. dahil sa sagot mo, naisip ko...
WAG KA NA MAG BA, MAG JOURN KA NAAAAAAA!!! wahahaha :))
ps. may kwento kami ni den sayo, (actually mga rant ulit siya, haha) pero next time na, kaya di kita pnpm eh, kasi mapapakwento ako ng mahaba, eh andami ko pang kelangan gawin, kelangan icontrol ang tendencies to daldal. haha! sige! :)
hindi pede! KAILANGAN AT GUSTO kong mag BA. 'Yung journ onting gusto ko lang. kaya BA na.
haha sige sige.
Post a Comment