This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Monday, July 27, 2009

Hiyang Nakahihiya

Hindi ako aktibista.
Siguro last year, nawili ako. Minulat ng UP ang mga mata ko. Nakita ko ang Pilipinas. Kaya nama'y umusbong ang tago kong pagka-aktibista. Nagblog ako tungkol sa mga isyung panlipunan maski pampulitika. Kinasuklaman ko si Gloria, sinubukan ko pa ngang magrally pero hanggang up lang. Pinaalam ko 'to sa mga kaibigan ko. Sinasabi nilang nagiging aktibista na 'ko. Noon, palagay ko maganda 'yun. Kaya sige... Pasikat.
Pero niloloko ko lang ang sarili ko, o kung hindi man, sawa na ako. Ayoko na ng usapang pulitikal. Hindi na ko nagbabasa ng Kule masyado pag nakita kong patungkol ito sa gobyerno, korapsyon, kay Gloria. Inaantok na ang mga mata ko.

SONA kanina, "Ang Huling SONA ni PGMA" ayon sa ABS-CBN. Pinanuod/pinakinggan ko ito dahil ang hindi panunuod o pakikinig ay pagsasarado ng utak. Ayoko, bukas ang isipan ko diba? Ang ganda. Andaming numero. Puro graph. Line graph, pie chart, bar graph, na ang iba ay di naman ayon sa datos (yung ibang bar graph dapat line graph, pero di na yun mahalaga). At ang ganda. 2001-2009 : Anlaki daw ng inunlad. Mula sa termino ni Marcos, Ramos, hanggang kanya: sa kanya daw ang may pinakamalaking natulong. Umonti daw nang husto ang mga Pilipinong nagsasabing sila ay mahirap. Angat daw ng todo ang GDP at GNP ng bansa, kung ano man 'yun. Ang galing-galing naman ni Gloria, parang ang ganda-ganda ng bansa. 'Yun ang ginawa ng SONA kanina, nagbigay siya ng good news. Ang mga kritiko, hindi naman naghahanap ng tama, naghahanap yan ng mali. Kaya ayun, ansama-sama ng tingin ke Gloria. At siguro, tingin ni Gloria, problema ang mga ito. Gaya ng pagkakapuna ni Loren Legarda, pupunahin ko rin ang SONA. Hindi nilabanan ni Gloria ang kahirapan, nilabanan niya ang mga kritiko niya. Anlakas niya. Antatag. Siyam na taong nanunungkulan, grabe. Ambata pa rin ng hitsura kanina. Pero wala 'yun, dahil ang napansin talaga ay yung pagpapatama niya. 1. kay Mar Roxas na nagmumura daw in public. 2. kay Jose de Venecia na nung una'y sinusulong ang Cha-Cha dahil akala'y makikinabang. 3. kay dating pangulong Estrada na siyang nagdulot sa malapit nang bankruptcy ng bansa, tas "Those who should be in jail should not threaten it, especially if they have been there.". Ewan, baka marami pa. Mga raliyista pa. Hindi naman daw siya nagmartial law. Hindi naman siya nagsabing tatakbo pa siya ulit. Tinatakot lang daw ng mga kritiko/aktibista ang mga sarili nila. Anlupet talaga ni Gloria, hindi nagresign, hindi nagpadali sa sambayanan, kahit halos lahat pa sa mga ito'y ayaw sa kanya. Todo patawa pa. "After this speech, I will step down from this stage. But i will not step down from the presidency." Antibay talaga niya. Ayaw pabuwag. Sa bagay, hindi naman sinasabi ang "walang hiya" sa mga mabubuti. Wala yatang hiya si Satanas.

2 comments:

Anonymous said...

marshall law -> martial law :)

Gelo said...

haha, oo nga no, thanks sa pagpuna :)