Ayos lang bang gawin ang gusto mo? Gamitin ang laya at gawin lahat ng gusto ayon sa kaprisyo? Siguro sasabihin ng lipunan na 'di tama, e kung gusto, magiging tama kaya? 'Yung tunay na gusto ha. Meron kasing mga bagay na akala mo gusto mo, pero pag pinag-isipan mo pa, hindi na pala. Kunwari gusto mo pumatay, akala lang yun siguro. Palagay ko pag pinag-isipan na, marerealize na ang tama.
Ngayon ko nalang yata ulit naramdaman ang konsensiya ko. Isang pagkakataon na ako lang ang kailangang magsabi sa sarili ko, hindi na kailangan ng magulang o sinuman.
Tuesday, normal na araw. Manunuod si Sam ng Engkwentro ng 5pm. Gusto ko manuod ng Cinemalaya. Sige manunuod na rin ako. At ayun, pagkatapos ng PE, naghanap ako ng magagawa. Pumunta akong film institute para bumili ng ticket. May nagshoshooting yata. Bihis direktor yung isang mama eh. Nakashades, may kulay ang buhok, nakaprinted polo, khaki pants, at brown shoes. Tapos mukha rin namang artista 'yung kasama niya. Tapos sinusundan sila ng mga mamang may hawak na kit, baka pang make-up. Pinanuod ko sila sandali, nainggit ako. Pero mukha akong tanga dun sa film institute na nakatayo kaya pupunta nalang ako ng sc para magcomp shop dahil 2pm pa lang at 5pm pa ang palabas. Sa paglalakad, nadaan sa isang kanto papuntang Lutongbahay na kailan lang e pinag-uusapan namin sa facebook na puntahan, kaya sabi ko, sige, puntahan. Kaso nakita kong may aircon yung sa harap nito kaya dun nalang ako kumain. Sisig at melon shake. Masarap. Saka ako nagsulat para sa MPs 10 dahil palagay ko'y ganado ako nun dahil sa'king nakita. MASAMA ako. Pinanuod ko ang isang malaking lalaki na di ko inakala'y isa palang law student na graduating na yata. MAPANGHINALA ako. Pinanuod ko siyang makipaglandian dun sa tindera sa kantinang kinainan ko. MAPANLAIT ako. Sabi ko sa isip ko, bagay sila. MAY GINAGAWA ako. 'Di ko na sila pinansin, hanggang sa dumating 'yung inaabangan nung lalake at nagdate na nga sila. Pag-ibig. Nagsisimula akong magsulat ng isang script na may pamagat na Yosi nang dumating si Sam. Tinanong niya kung ano 'yun at agad kong tinago sa bag ko. Kumain siya. Wala akong magawa kaya bumili ulit ako ng shake, namili ng flavor. Tinanong ko kung ano pinakamabenta, sabi mango at avocado. Pinili ko leche flan. Malay ko bang meron pala kasing ganon. 4:30 na kaya pumunta na kaming Film Institute. Umulan at mahangin, parang nung nanuod lang kami ng Ang Henerala sa Ateneo. Baka biyaya. At 'yun na nga, nagsimula ang pelikula. Nalungkot ako - sa storya at sa pagkakagawa ng storya. Palakad na kami papunta sa sakayan ng dyip pa-Katipunan nang sabihin ko kay Sam na panuorin na rin namin yung Ang Nerseri dahil 9pm pa naman uwi ni jc, at yun, pinanuod nga namin. Pumunta kami sa Mcdo para kitain si Jonas at antayin si JC, nagtake-out at umalis. Uwian na sana. Kaya lang, lumabas ang pagkamakasarili ko. Ginamit ko ang hiya ni Sam at masasabi kong gumana. Nag-ice monster kaming tatlo ni Jonas hanggang ala-una ng madaling araw. Umuwi at natulog.
Wednesday, pumasok ako nang maaga dahil may practice sa Comm 3. Wala talaga akong pasok ng umaga. Gusto ko nga sanang sabihin nung tuesday na 11:30-1 lang ako pede, pero wala lang, high schoolish activity to kaya sige, 10-1 ako magpapractice sana. At yun, nagpractice nga medyo. Kaya lang, gawa ng ginabi kong pag-uwi nung Tuesday, di ko nabasa yung mga babasahin sa English 11 at sin'tong basahin habang nagpapractice. Sabi nung kagrupo ko di ko daw yun maiintindihan, ang haba pa, magcut nalang daw ako at makisit-in sa klase niyang airconditioned. At yun, di ko nabasa yung mga babasahin. Nagcut ako for the first time this school year. Kumain muna sa CS canteen kahit late na, saka pumasok sa CS audi para sa Nat Sci 2 ni Ardie. DKT ang mga tinuturo kaya nagbasa nalang ako sa Stat. Pagkatapos ay bumili ako ng ticket ng Dead Stars & Sepang Loca sa AS bilang pamalit sa pag-absent ko. Nadaanan ko 'yung mga kaklase ko sa English11. Nakakahiya. At ang maslalong nakakahiya, dumaan si sir sa harap ko at nakatingin sa akin habang nakapila ko sa DUP office. Nagkunwari nalang akong nagtetext. Saka naglakad papuntang Stat, nagStat, bumalik sa AS at nagMPs10. Practice lang para sa kantang bwiset na pinapagawa sa'min ni manang. Nasa sa'min kung uuwi kami, kaya lang GC si ate at nababahala sa kabilang grupo na narinig namin at ang ganda. Okay lang naman yun dahil siya naman sumulat nung kanta at ayaw nga niyang masira yung ginawa niya, para rin naman sa grado ko 'to. Kaya lang nakatanga't paulit-ulit lang naman kami. Palagay ko handa na kami kaya uuwi na sana ako dahil 5pm na at 5pm nagstart ung Cinemalaya. Pero hinde, ayoko pa, sumakay ako ng ikot at pagbaba ko ng dyip, may nakaabang nang mga nagtitinda ng ticket, at binili ko na. ASTIG. Sakto lang, siguro dalawang minuto pa lang dahil pinapakita palang yung cast. Malaswa. Maganda. Tingin ko nanggaya sa Babel pero okay na rin. Papanuorin ko pa sana ung Last Supper #3 kaya lang nakunsensiya ako at tinext si Lyka kung nasa school pa siya, at nandun pa nga. Sumabay na ako. Nakauwi na ako, mga 8:30pm. Kumain, nakaramdam ng sense of responsibility, at ginawa ang Econ prob set... ang kalahati nito. Nakaramdam ng antok kaya natulog na at pinagpabukas na ang lahat.
Thursday, andami kong bitbit gawa ng Comm 3. Nagplano ako. Iiwan ko 'yung speakers na bitbit ko sa CAL library. Iniwan ko 'yung bag ko sa 2nd floor ng CAL. Pumasok ako sa library na dala-dala yung paper bag na naglalaman ng speakers. Tinignan ang id. Di ako binigyan nung card para sa bag kaya kumuha ako dun sa lalagyan. Pero sabi nung babae okay lang daw na ipasok. Palpak. Naglibot muna ko sa loob saka lumabas dala ang pagkalaking paper bag. Bago na ung nagbabantay. Kinuha ko yung bag ko sa itaas saka bumalik sa lib. Napansin nung babae na ako na naman, pero di niya napansin na may bag na akong dala. Nilagay ko yung bag at paper bag ko sa isang sulok, naglibot sa loob, saka bumalik sa package counter. Inayos ko yung paper bag at sinuksok sa loob. Kinuha ang bag at umakyat na sa klase ko. Naparecite ako nang di oras sa Pan Pil 19, buti nalang nabasa ko na 'yung pinapabasa niya noong isang linggo, kahit kulang ung sagot ko. Pumunta na 'kong Econ habang nagbibilang ng yapak. 1400+. Nawala 'yung bilang ko nang mapansin ko 'tong mga hayskul students na nagpapractice yata ng cheering. Pero andun na ko sa econ. May umagaw ng silya namin nila den kaya dun kami sa medyo gitna. 'Di ako nakinig, sinubukan kong gawin ung problem set, wala rin naman akong matutunan masyado pag makinig ako. Natapos ang econ, xinerox ko ng kalahating tapos kong problem set para kay Gift. Habang naglalakad sa AS Walk ay nakita kong 10% off ang medyas ng biofresh-burlington. Bumili na ako. 225 para sa tatlong pares, malay ko kung mura yun. Dumiretso sa CAL lib para kunin nang di halata ang paper bag, saka dumiretsong Comm 3. Ayos ang grado. Mabait si ma'am. 1.5. 1.25. Kung ako ang magbibigay ng grado, 2 lang sa grupo namin, at 1.25 rin sa kabila. Bait ni ma'am. Pumunta na kong gym, nagp.e. na mukhang gago as usual, at naglakad papuntang oble. Hindi na ko nanuod ng Cinemalaya. Mahiya naman ako sa kunsensiya ko. At kanina sa sasakyan ni lyka, nakatulog ako, senyas na pagod na ako.
Eto o, eto, nararamdaman ko, ngayon ngayon lang, sinigawan ako ng konsiyensiya ko, "IRESPONSABLE!" Konsensiya na ang sabi. Hindi na 'ko magpapaka-self-righteous at radikal. Tatanggapin ko na, iresponsable nga ako. Hindi ko na ipagtatanggol ang sarili ko, wala nang justification, hindi na nga 'to tama. Nakapasok ako ng UP gawa ng pagiging responsable, at wala akong balak mapalayas gawa ng kawalan nito. Dalawang malupit na exam next week. Kalahati na ng topics for 2nd exam ang natalakay sa econ at wala pa kong natututunan. 1/10 o 1/20 pa lang ng readings sa Pan Pil 19 ang nababasa ko. Ngayong iniisip ko, wala akong maalala sa mga tinuro sa Stat 101. IRESPONSABLE nga. Hindi lang kaibigan at sining ang priority, ko, pag-aaral rin. Tama ka konsensiya, kontrolin ang laya.
2 comments:
Haha. mabuti yan. kelangan na natin ng mas malawak na pagtingin.. di lang panay pasarap. nyahaha.
actually di naman ako nahiya kay jonas. haha. ewan ko kung anong nagmotivate saken. gusto ko din yata eh. haha pero ayun going against conscience at self-control. ala una ba naman for nothing on a tuesday and on an exam night. can't believe it. geh sundan mo lang yan at hindi ka magkakamali. :)
haha. hiya nga! haha. okay lang yun, masaya naman, napasalita pa si jonas.
Post a Comment