Paksa namin sa MPs10 ngayon ay PUNTO DE VISTA. Sa ingles, POINT OF VIEW. Alam naman na siguro natin na ito yung paraan ng pagtingin ng isang tao sa isang bagay. Magkakaiba tayo. Kung sa panitikan, may tatlong uri ng punto de vista. Sa totoong buhay, kung ilan ang bilang ng taong naka-apak, umaapak, at aapak sa mundong ito, 'yon ang bilang ng punto de vista. Magkakaiba.
Sabi nung parang hired pamalit ng prof namin para sa kanya (may sakit nga kasi si ma'am kaya kumukuha siya ng ibang tao para magturo nung mga dapat na tinuturo niya, pero nandun lang siya nanunuod), ang punto de vista daw ay pedeng tignan bilang isang SALAMIN... o SHADES.... o SUNGLASSES... basta 'yun. Magkakaiba tayo ng grado, magkakaiba tayo ng hugis, magkakaiba tayo ng kulay, magkakaiba tayo ng gusto. At naiiba pa to lalo gawa ng pagkatao, lipunan, at karanasan. Itong tatlong 'to, binibigyan ng direksyon ang isang tao. Kaya naman kapag sinuot na ng isang tao ang salamin na ito at tanungin siya ng isang bagay, malamang matuto tayo sa kung ano ang direksyon, paniniwala, prinsipyo, atbp niya sa buhay sa pamamagitan ng paningin o reaksyon niya.
Pero sa panunuod ng pelikula, san ka naman nakakita ng taong nakashades? Salamin sige. Pero shades? ENK. Masmaganda ang panunuod ng pelikula na walang suot na salamin. Ganto noong sanggol pa lamang. Wala pang kung anong nakakaapekto ng pagtingin ng sanggol kaya tanggap lang siya nang tanggap. Maganda yun, sa panunuod ng pelikula.
Kanina, nanuod kami ng Harry Potter 6. At masasabi kong talaga nama'y nag-enjoy ako dahil hindi ako nagsuot ng salamin, hindi ako umasa, hindi ako nag-isip habang nanunuod, hindi ko tinignan ang oras, tinanggap ko ng buo ang pelikula, nilagay ko ang sarili ko sa loob ng pelikula. (Ganito rin nung Transformers: Revenge of the Fallen at Confessions of the Shopaholic kaya nama'y nag-enjoy talaga ako). Mata ko lang ang gamit ko, mata ng isang tao.
Ang mga sumusunod ay 'yung mga kinagiliwan ko sa pelikula (SPOILER NA PO PARA SA MGA DI PA NANUNUOD O NAGBABASA). Eto na rin siguro ang nakita ko gamit ng mata ko, apektado lamang ng karanasan at hindi ng lipunan.
1. Naalala ko na tao pa rin pala sila. Siguro gawa nung mga nakaraang Harry Potter na palabas, nagbunga na sa isip ko 'yung pagka-"WIZARD" ng mga tauhan, angat sa katauhan dahil nakakalikha at gamit ng mahika. Galing lang. Sabay makikita sa pelikula, umiibig rin sila, umiiyak, nagseselos, nagagalit, nagsisiya, nalulungkot, nag-aalala.
Natuwa talaga ko dun sa isang clip (hindi siya scene e). Mga limang segundo lang to pinalabas tas next scene na. Ito yung noong pagtapos maglandian nila Ron at nung babae niya, sabay umiyak si Hermione at nagsilbing shoulder to cry on si Harry. Dito sa sandaling ito, pinakita ang limang tauhan sa pamamagitan ng mga bintana. Si Hermione, nag-iiiyak, nagseselos at nagagalit. Si Harry, umiintindi at tumutulong. Si Ron at ang babae niya, nagsisiya at nagmamahalan/landian. Habang si Draco ay namomroblema mag-isa.
Wala lang. husay.
2. Binalik ako sa mundo ng pantasya. Isa nga naman sa elemento siguro ng akda na umakit sa mambabasa at manunuod ay yung aksyong pumapalibot dito, yung wizardry. Ang ganda talaga nung eksena na lumikha ng impyerno si Albus. Ansarap kunan ng letrato at gawing wallpaper. Sabay hinaluan pa ng pagka-Moses dahil sa paghawi ng apoy para lumikha ng daan. Galing.
3. Potion. Nang inumin ni Harry 'yung parang potion na may kinalaman sa luck (di ko naintindihan ung pangalan, luck lang), para siyang lasing. Haha. Natatawa 'ko e. Para kasing gago. Parang ako pag lasing. Gusto ko tuloy makakita ng kaibigang lasing, baka tumawa rin ako ng husto. Wala, singit lang.
4. 'Yung paglalaro nito sa isipan ng manunuod (hindi mambabasa). 'Nung una e pinalabas na masama si Snape. Diniin talaga ito ng maraming pangyayari. Sabay pinagkatiwalaan siya talaga ni Dumbledore (tama ba spelling?). Tas may isang insidente na tingin mo talaga ay maliligtas si Dumbledore sa plano ni Snape, na pinagkatiwalaan naman nga ni Dumbledore. Sabay siya rin pala 'yung papatay. Sabay sasabihin sa'yo ng kaibigan mo na nakabasa na, na may plano nga.
Haha. Gago. Pero dahil nilagay ko nga ang sarili ko sa pelikula, hindi ko kailangan mag-imbento ng PANO KUNG. Kung ano ang ipakita, 'yun ang isipin. Kamangha-mangha.
Wala lang. Nagbablog lang imbis na nag-aaral sa Stat 101. Hindi ko sasabihing panuorin niyo ang Harry Potter: half-blood prince dahil baka umasa kayo na maganda nga ito. Pero dahil sinabi ko na rin, asahan niyong magiging pangit ito. Para maging masmataas to sa expectations niyo. Pero dahil sinabi ko na rin, ibaba niyo nalang ulit ang expectations niyo... sige.. yoko na ituloy.
2 comments:
nyahahh. the best yung ron hermione part. hmm tama din kaya na hindi gumamit ng sunglasses? wala lang parang iba kasi ang tinuturo satin. think critically paran ganon. siguro think through the meanings na lang. hala na. nyahah.
siguro kung yung misyon mo ay magpasikat, gumamit ka ng salamin. yun. pupunahin mo na lahat ng mali, magaling ka na.
Post a Comment