Memories are nice, but that's all they are.
'Yan ang isang bagay na linagay ko sa memorya ko... at gaya nga ng sabi ni Rikku, that's all it is.
Ang gloomy ng araw na 'to. Umuulan na, late pa ko nagising. Bale hindi ako nasikatan ng araw. Masama 'yun. Hay. Tapos kahapon, nagloko nga ung computer dahil malamang sa isang lintik na virus. Pinaayos namin sa kapitbahay na marunong mag-ayos. Ayun. finormat. binura lahat ng nasa C dahil nandun din naman ang virus. Hindi ako nabadtrip sa pagkawala ng pagkarami-rami kong kanta o sa ilang assignments ko na nawala. Nabwiset ako dahil sa C naka-install ang Yahoo! Messenger. Dun ko pinaste noon yung message archive ko. 2007 to present YM conversations, nandoon. At dahil sa isang virus, wala na 'to. Akala ko okay lang. Sabi kasi ng memory ko, nung sinaksak ko yung usb ko last sem sa mac ng prof ko sa MS1, antagal niscan ito ng laptop ni sir. Kasi ung archive ko, andon sa usb ko, e andami non. Kaya yun, akala ko andun. Sabay dinelete ko pala. march to june 2009 lang ung nasa usbe ko.
Takte. Anlungkot. Andun lahat nung, "anong assignment para bukas?" na tanong ng mga high school classmates. Andun lahat ng kadramahang kinekwento sakin. Andun lahat ng laughtrip conferences namin. Andun lahat ng business talks ko. Andun lahat ng kabackstaban. Andun yung dating ako.
Anlungkot talaga.
Pero wala, wala nang magagawa. Para akong nagka-alzheimer's disease. Pero that's all they are nga daw. Kaya wag nalang malungkot. Move on. Gawa nalang ng bago. Sana madali. Gusto kong mag-ice monster.
2 comments:
naalala ko nung inaasar moko dati na binabalikan at binabasa ko ung message archive ko, eh ikaw pala dyan, mas gawain mo un! haha, kaya nga mas reliable na ang planner! switch to the planner! di dinadapuan un ng virus! :)
BS Planner pa talaga ah.
haha minsan kasi masarap magbalik tanaw sa mga dating sarili at kaibigan, obserbahan yung pinagbago, "dati ganto, dati ganyan."
eh ang hassle ng planner! di ko mauupdate yun araw-araw o kahit linggo-linggo.
Post a Comment