1st sem 2nd yr so far
Pan Pil 19. hay. nagsisisi pa ko na si ma'am ang kinuha ko. Hindi ganoon ka entertaining ang mga tinuturo niya, hindi nakakaaliw. 'Yung mga readings, ang hahaba na, lumang tagalog pa. Kapag binasa mo, hindi siya yung pagkabasa mo ng isang sentence, mararamdaman mo ung sinasabi. Pagkabasa mo ng isang sentence, ang goal mo is maintindihan yung words, maitranslate to modern tagalog. tang ina. hirap tuloy intindihin. paulit-ulit pa. hay. TAPOS ETO PA. Dahil nga nung first day e absent ako, ang mga naging kagrupo ko, yung mga late nung first day. EH YUN. late nga sila buong sem so far. may isa lang na hindi. tas ung isa, nagdrop na yata, di na pumapasok. At yung isa, pumapasok lang pag walang gagawin. PUTANG INA. bale dalawa lang kami, minsan tatlo, na gumagawa ng mga pinapagawa. HAY.
Econ 100.2. kakatapos lang ng exam nung linggo. Wala pa kong masabi. Sana pasado.
Comm 3. Dito 'ko nagsasaya. Kahit papano ay komportable naman na ko sa mga kagrupo ko. Tas ang masaya pa dito, dahil reporting ng bawat grupo, at tingin ng mga studyante, interactive ang games, palaging may palaro. At yehey, madalas akong manalo. ansarap ng feeling. ambabaw. Tas isa pang maganda rito, araw-araw ay may quiz. At andaling hulaan nung quiz niya, as in hulaan yung mga lalabas na sagot, kaya alam na kung ano ang imememorize. so far 52/50 ako sa quiz. ok yabang. Tapos eto pa, merong poem interpretation. yes. parang hs lang. pero wala pa kong maisip na creative na pedeng gawin at wala akong balak maglead ng 14 students kaya sige, sila na siguro bahala.
PE 2 STD. okay. kaya ko naman yatang magwave. yata. Mukha pa rin tanga. At tulad nung nagworkshop ako, sinisisi ko sa damit.. pero nung bandang huli at gets ko naman na, kahit anong suot e okay naman.. sana dumating na ko sa puntong yun.
Eng 11. Ayoko ng subject na 'to. nasasakal ako. (NEXT BLOG)
Stat 101. Kakaexam lang kanina. Sana tama lahat ng sinagot ko. Nalimutan ko din magdala ng calcu, buti nakahiram ako sa isang org dun. (salamat bos marvin, you saved my life!) 'Yun. Masmaganda mag advance reading dito. Para pag discussion na, ooo ka nalang sa sinasabi.
MPs 10. pinapagawa kami ng kanta, okay?! ayoko talaga ng matatandang prof! puro gusto niya ung dapat masunod! hay (NEXT NEXT BLOG)
ok lang magreklamo paminsan-minsan para makita ang kamalian.pakyu ol. skwater post.
2 comments:
ahahah!! grabe. wala din akong magawa kundi magreklamo sa lahat ng subjects ko. haha. tayo na nga nagkukulang tayo pa umaangal. kaya naman siguro yan. feel ko petiks pa nga sa lagay na to. sige aral pa. :]
feel ko nga rin petiks pa lang nga. ngayon palang kasi nagquiz, kaya di pa ko ganong nasestress.. pero dito na yata magsisimula.
Post a Comment