This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, August 18, 2009

Belated Happy Day

Hindi ko maiwasang isipin na sana, ito nalang araw na ito, TUESDAY, AUGUST 18, 2009, ang aking naging birthday sa taong 'to. Masaya eh. Masasabi kong masaya naman ako nung tunay na kaarawan ko, pero sayang materialistically 'yun at hindi sa sariling kalayaan.

----

Gumising ako 10 minutes pagtapos mag-alarm ng cellphone ko. 5:40 AM. Inantay ko si Mama para sumabay palabas ng village kaya magse7:30 na nang maka-alis. FX to LRT. jeep to Katipunan. jeep to U.P. <- ang hassle ng buhay.
Meron nga pala akong group "performance" (tawag ni ma'am) sa Pan Pil 19. Magjojoke kami. Green joke. Kung high school self ko ang papairalin ko, paghahandaan ko talaga 'to. Pero nakakatamad, kaya sige lang. At ayun, may kaunting kaalaman sa gagawin, pero hindi todo planado. Gawa lang. At sa katuwaang palad, ako - na hindi nagjojoke at korni - kasama ng mga kagrupo ko, ay napatawa kahit pa'no ang klase. Saya lang.
Pagtapos nun ay econ, at tulad ng huling apat o tatlong linggo siguro, hindi ako nakinig. Nakipagdaldalan lang siguro kay Denden tapos bumalik na sa "CNB" para sa Comm 3.
Interview namin. Hindi ako gano'ng nag-imagine at nagtakda ng mga dapat na mangyayari sa interview. Naglagay lang ako ng ilang singit na tanong sa papel. Tapos bahala na. At 'yun, bahala nalang nga nung interview na. Bahalang napunta sa 1.5. SALAMAT PING (partner) AT JANN (interviewee)! SALAMAT TALAGA SOBRA! Saya lang.
Toki papuntang gym. umambon ng onti. Mahangin. Malamig, walang kapawis-pawis. At buti naman, wala ring kapawis-pawis ang ginawa namin, blocking lang. Saya lang.
5 'o'clock pa ang kitaan w/ azaaar kaya practice muna sana kasama ang MPs 10 groupmates. Sa kasamaang palad, matapos ang 2:00-3:30 kong pag-aantay, isa lang ang dumating. Andun lang kami nakatambay sa PH 224 dahil walang gumagamit ng oras na yun at may electic fan dun. Natulog lang ako. Nabitin lang nang mag 4 oclock na at may gagamit na ng room. Sinabihan ko nalang ung sana'y susunod na miyembro na wag na. Ano ba. Wala ring mararating. Sige lang. Saya lang.
Pumunta 'kong 3rd world lib para magbasa ng dyaryo, hanapin yung artikulo sa opinion ng PHILIPPINE DAILY INQUIRER noong Monday, AUGUST 17, 2009 na pinamagatang MAY ARAW DIN KAYO. Andun nga. Pagkatapos ay nagbasa-basa lang tungkol sa ... nalimutan ko na. Saya lang.

5oclock at nagkita-kita na. Masaya as usual. Inaantok pa 'ko gawa ng bitin na tulog sa PH 224. Pupunta sana kaming SM North. Nga lang, nang subukan nang sumakay ng siyam na tao sa sedan ni Denden, ayun, may sira yata sa fan belt (?). Okay lang yan, masyado na kaming nawiwili sa pakotse kotse. 'Dun tayo sa hassle ng buhay, jeep papuntang TriNoma nalang dahil naroon ang MRT.
Kapag tinanong mo ko kung san ko gusto kumain, sasabihin ko, "kayo." at 'yun nga ang sinabi ko kanina. Nakakahiya naman, baka isipin tinitipid ko masyado. Pero go lang. At 'yun, sa Dencio's nauwi. Perstaym ko kumain dun, sa totoo lang. (Siguro kaya 'di ako nadala dun ng magulang ko ay dahil nag-aalok 'to ng alcohol.) Eniwey, nakakabusog naman ang hapunan. Dapat lang, first time ko yatang gumastos ng 1.7+k para sa ibang tao. Okay lang yan, minsan lang yna. Binili pa kami ni kenneth nila aylene at denden ng keyk na palagay ko'y pinaghatian naman nila. SALAMAT nang MARAMI. Saya nga lang. Pagkatapos eh nag timezone as usual at naglokohan. Pagkatapos eh umuwi na... sila.
Bagamat pinauuwi na ni mama, pinuntahan ko "muna" sila sam jonas at wesley sa Soul Kitchen sa The Gate. Tambay. Kain. Libre naman ni jonas. wala na kong pera sorry naman. salamat jonas! Hanggang sa ayun, inabot na ng alas dos ng umaga. Saya lang.

---

Napakagaang ng araw na 'to. Kung iisipin ko ang pagka-GC ko, sobrang saya ko sa tagumpay ng mga gawain sa klase kahit kaunti lang ang preperasyon. Kung iisipin ko ang social life ko, sobrang saya ko sa sayang nakamit ko sa pagsama sa mga taga up at ilang mga taga beda. Wala, ansaya lang ng pakiramdam. Walang sinabi ung 2k+ na baon ko kanina sa sayang nakamit ko ngayon. Hayop. Lolokohin ko nalang ang sarili ko, "Sana, -day ko ulit bukas."

No comments: