This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Wednesday, August 5, 2009

Cinemalaya Cinco

Ang ikalamang Cinemalaya film festival ay isang pagbuhay sa katawan. Pinagana ang utak, minulat ang mata, binuksan ang bibig, pinatibok ang puso. Maganda. Pinalad akong makapanuod ng pito sa sampung full-length films nitong taon.

Engkwentro (DOS)

KAUNTING KAALAMAN sa KWENTO:
Tungkol sa dalawang magkapatid napabilang sa dalawang gang, ang pelikula ay nagpapakita ng pagmamahal. Ang nakatatandang kapatid ay pinuno ng isang gang at alam niyang nasira ang buhay niya dito. Wanted siya sa City Death Squad na pumapatay nalang basta ng sinumang kriminal o may samang-loob na makita. Nais niyang tumakas kasama ang nobyang puta papunta sa kaniyang ina sa Maynila. Ang kapatid niya ay isang studyante na patagong nagyoyosi at umiinom ng alak gawa ng gang na sinasalihan niya, gang na kalaban ng gang ng kapatid niya.

Tuloy-tuloy ang kwento. Lahat ng pinalabas sa isang oras ay nangyari sa iisang araw at buong isang oras na 'yun, tutok na tutok ako gawa ng husay ng pelikula. Hindi 'to matutulad sa normal na daloy ng isang isang kwento dahil pataas lang ito. / . Mahusay ang pagkakagamit ng camera (kahit nakakahilo), sinusundan lamang ang mga tauhan sa loob ng looban. Hindi ko na maisip kung pa'no pa gaganda 'yung pagkakagamit ng camera. Mahusay rin ang mga aktor. MALUNGKOT akong umalis ng sinehan. Hindi ko matanggap ang pagtatapos nito. Lahat ng nangyari ay nauwi sa (WARNING: SPOILER) tatlong malungkot na pagkamatay at 'di ko to matanggap, pero naiintindihan ko.

Dahil tuloy sa lungkot, nagpasiya akong panuorin pa 'yung susunod na pelikula, Ang Nerseri.

- - - - -

Ang Nerseri (1.75)
Best Screenplay

KK sa K
Bunso: matino; mga kapatid: baliw - yan ang kwento ng Ang Nerseri. Isang nasa dose anyos na bata ang kinailangan magpakaresponsable para alagaan ang dalawang kapatid na baliw sa bahay (ang isa ay nasa ospital na, ang isa pa ay nasa Makati) sa pag-alis ng ina papuntang Bohol ng dalawang linggo para magtinda ng lupa pambayad sa pang-ospital ng kanyang mga anak.

Sabi ng guro ko sa Pan Pil 19, ang pagkakaroon ng regla ay isang tanda na ang babae'y nagmamature na. Kailangan niyang magmature, kasi kailangan niyang alagaan ang katawan niya. Kailangang magpakaresponsable dahil mahirap din pag nireregla. Ganoon din dito sa kwentong ito. Iniharap ang anak sa isang kondisyong wala siyang magagawa kundi magpakaresponsable dahil naiintindihan niyang siya lamang ang matino sa kanilang magkakapatid at siya ang inaasahan ng ina. Kaya naman sa murang edad ay tila siya ama.
Madaming simbolismo sa storya at isa rito ang orchids na siyang nasa pelikula mula simula hanggang dulo. Ang orchids ay mahirap alagaan. Gayundin ang mga baliw.
DSLR ang ginamit sa pelikula. Isa daw itong eksperimento. Noong una ay di ako natutuwa dahil ang dull. Green at blue lang kasi ang nananaig na kulay, lahat ay nagiging grayscale. Pero sabi ng direktor, ito daw ay para sa eerie feel ng manunuod. Sige. Magaling din ang mga artista. Lalo na't baliw ang mga ginaganap na role. Nakakabaliw mag-alaga ng baliw at sa huli, halos (o talagang) nabaliw na rin ang bunso.
- - - - -

Astig (1.5)
Best Editing
Best Sound
Best Director: GB Sampedro
Best Supporting Actor: Arnold Reyes

KK sa K:
Apat na astig na kwento. Apat na astig na tao. Una, isang astig na lalaking mampepeke ng diploma at term paper sa Recto. Saka napaaway nang mawalan ng trabaho ang isang seaman dahil sa pekeng diploma. Sabi niya, "Buti nang sila ang mapasama... Kesa tayo." Napaibig niya ang isang dalaga. Nabuntis. Iniwan. Pangalawa, isang astig na lalaking nakabuntis nang maaga. Nagtitinda siya ng shampoo't lotion mula sa ina para sa gastos sa ospital. Niyaya siya ng isang baklang may-ari ng sinehan na pinagtitindihan niya na magpasuso, pero tinanggihan niya, "May asawa na po ako." Pangatlo, isang astig na mistisong intsik ang pumunta ng Maynila para ibenta ang iniwang pamana ng kanyang ama pati makilala ang mga kapatid sa ama. Hindi maibenta ang bahay dahil sa pwesto nito sa tabi ng mga skwater, at hindi siya gustong makita ng kanyang kapatid. Naibenta niya ang ang lupa't bahay. Naibenta niya ang kanyang katawan. Ikahuli, isang astig na bagsaking panganay na sobrang protektibo sa kanyang apat na babaeng kapatid ang nagpagawa ng term paper sa kapatid niya na siyang naging dahilan ng pagkakakilala ng kapatid niya at ng unang karakter. Binugbog nito ang unang astig.

----------

Ang Panggagahasa Kay Fe (2.5)
Jury Prize (tie with Colorum)


KK sa K
Si Fe ay nagpaka-OFW muna sa Singapore ng dalawang taon. Pagbalik niya, bumalik siya sa dating trabaho - paggawa ng rattan basket. Ayaw ng asawa niyang nagtatrabaho siya doon dahil may-ari ng negosyo ang dati nitong manliligaw. 'Di rin natutuwa si Fe sa kanyang asawa na lagi siyang inaapi kaya patagong sumisiping sa dati nitong manliligaw. May nagbigay at nagbigay ng basket ng itim na prutas kay Fe at di niya matukoy kung sino. Sinuspetsahan ng asawa na may manliligaw siya... at meron nga.

Ewan. DKT (di ko trip) yung palabas. (WARNING: SPOILER). Tungkol ba naman sa kapre. Siguro kung bata ako, matuwa't matakot pa 'ko. Tas yung pagpapakita sa Kapre, sana di nalang naganap, dahil 'di naman 'to mukhang kapre, at di ko naappreciate yung pagkakahambing nito sa tao. Ewan.

---------
Dinig Sana Kita (UNO!)
Audience Choice
Best Original Music Score

- - - - - - - -
Sanglaan (DOS)
Best Actress: Ina Feleo
Best Supporting Actress: Tessie Tomas

- - - - - - - -
Last Supper#3 (1.25)
Best Film

- - - - -
ITUTULOY PAG NAGKAORAS.

No comments: