This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Saturday, August 15, 2009

Maninining

Ang artista, kapag iningles, actor.
Ang artist, kapag tinagalog, pwedeng pintor, iskultor, mang-aawit, kompositor, mma-ist, atbp.

Hindi ko talaga magets kung bakit gano'n. Ang art, pag sinatao sa ingles, andaming kahulugan. Pero ang art, kapag sinatao sa Filipino, artista lang ang kalalabasan.

Naisip ko nang magdaan ako sa Bulwagan ng Dangal sa UP (isa 'tong museo ng sining na gawa ng mga taga-UP at ng mga national artists), ang mahal din naman ng mga ganoong paintings. Gusto ko paglaki ko, ang bahay ko, may at least two paintings. Kaya lang, mahal. Sa Economics, kapag kakaunti ang nagbebenta, wala gaanong kompetisyon. Ang dagdag na kaligayahan kapag bumibili ng sining ay mataas dahil sa pagiging rare ng ganitong likha, kaya rin 'to nagiging mahal. Naisip ko nga rin, ang mga gadgets, pamura nang pamura, paunlad nang paunlad. E pa'no, andami na ring nagtatrabaho para paunlarin 'to. Kaya ano kaya kung damihan ang artist (w/o the a)?

Oo na, Japan na o America o kung anong bansa ang bahala sa teknolohiya't mga kompyuter. Sila na sa inhinyeriya at agham, sa biotechnology at ekonomiks. SILA NA NGA. Tayong 3rd World country, tila 'di ganon kabilis ang pag-unlad pagdating sa ganoong mga bagay.
Kaya naisip ko, tutal, sinasabi ng mga pinoy na mayaman tayo sa kultura, bakit 'di natin to gamitin? Magpaka-artist tayo. Sabi ng english prof ko, "we need more expressive men." Bagamat emosyon ang tukoy nya sa ekspresyon, tingin ko maganda rin na idaan sa sining ang paghahayag. Ang mga trabahong ukol sa designing ay sinasabi ng utak ng isang tao na pambabae, pambading. Tinatak na kasi ng lipunan eh. Bawal ang ma"art"eng lalaki. Naniniwala ako sa kakayahan ng Pinoy lumikha ng makabago at napakagagandang sining. Andaming uri naman niyan. Specialization nga daw sabi sa Economics. Makaka-attain daw ng efficiency kapag nagsespecialize sa mga factors of production. At bilang malilikhaing tao, maganda siguro kung magspecialize ang mga Pinoy sa sining, at 'di magtatagal, tatawaging Art Capital of the World, Perlas ng Silangang tunay ngang kumikinang. At tila pokpok, ang mga pilipino ay magiging taga-aliw ng mundo, taga-alis ng stress sa abala at matrabahong mundo ng siyensiya. Pero di tulad ng pokpok, ang mga pilipino ay 'di hahamakin ang sariling katawan at dignidad para dito. Titingalain ang Pilipinas bilang isang bansang hayop sa kagandahan. Ang New York Fashion Week ay magiging Manila Fashion Week (sisikat yung ngayon). Ang Oscars ay magiging Famas. Ang Grammys ay magiging MYX awards (wtf? malay mo). Tayo na ang maghohost ng Olympics. Tayo na ang mga papanuorin ng ibang bansa. Ang sining ay magiging accessible sa lahat. Ang istandard ng kagandahan ay tataas. Magkakaroon na ng Pi-Pop kapalit ng KJPop at Komiks Pangkalawakan sa halip na Manga o Anime. Magwoworld tour na sila Sarah Geronimo na dadagsain ng mga banyaga. Makakatulog ang mga Pinoy na nakangiti at naggagandahan. Saka mananaginip ng panaginip at magigising sa katotohanan... kung anuman ang gusto nating katotohanan.


- isang pag-aambisyon ng impokritong hangad mag-accountancy.

2 comments:

Jimmy said...

Which language is this..?? Cant I get the same cartoon with english text instead of that language..?? Please reply..

Shobin
Cash Online Get Easy cash at your door step

Gelo said...

it's Filipino.

You can't. Translating the text to another language will change its "supposed" meaning.
Maybe you can find something else on their site: http://blogcomics.net