Kailan lang, hinanap ng kapatid ko sa'kin ung cap na dati'y sa kanya, pero binenta nya sa'kin. SA'KIN na 'yun.
August 7, 2009, pumunta 'ko sa debut ng isang kaibigan at suot ko nga 'yung cap. Inom-inom, pero lady drinks lang. 'Yung sprite na ewan. Margarita yata, yung dilaw? tas meron ung may pakwan. Isang shot (para sa 18 shots) ng kung ano. Tas san mig superdry (Sensya, wala talaga 'kong paki masyado sa kung ano tawag sa iniinom o kinakain). Wala namang malakas kaya wala ganong epekto. Sinabi ko lang 'yun kasi naghahanap ako ng dahilan, para mapabuti ang aking mga "kaibigan." Hiniram kasi 'yung cap ko sandali. May ginagawa siyang trick na 'di nya magawa dun sa cap. Tas pinasa niya dun sa kabilang side nung table. Tas wala na, 'di ko na alam kung nasan. Dahil kilala ko ang mga gagong kaibigan, syempre todo hinala ako. Pero todo deny sila. Binato daw kay ganto, binato kay ganyan, basta, wala sa kanila. So sige, benefit of the doubt, kasalanan ko, bibili nalang ako ng bago.
'Di ako mayaman. Asa nalang. Nanghinayang talaga ko dun sa cap na 'yun. Bihira lang yatang may cap akong matripan. Pero 'yun, wala nang magagawa. Babye. 2 years na rin naman.
Kailan lang, hinanap ng kapatid ko sa'kin ung cap na dati'y sa kanya, pero binenta nya sa'kin. SA'KIN na 'yun.
Sabi ko nawala. Sabi ko hiniram kasi ng kaklase ko. Sabi ko ganto ganyan. Sabi niya, singilin daw ng 1200 'yun. Uupakan daw niya. Malamang daw pinagtripan ako. Malamang daw ninakaw na nila. Malamang daw planado daw 'yun. Pagbayarin ko daw sila.
Sabi ko edi ako magbabayad. Babayaran ko sarili ko. Parang gago. Sabi ko bibili nalang ako.
Sabi niya nagpapaapi daw ako.
Sumang-ayon ang nanay ko.
...
O siguro, okay lang na 'yun maramdaman ni mama dahil sa kanya naman nanggagaling 'yung pera.
Pero ano, sisirain ko pagkakaibigan dahil sa suspetsang wala namang ebidensya? dahil sa pera? Enk. asa. Napakasama kasi ng tingin sa mga tagaschool. No offense, pero kaya rin siya siguro 'di nagkakagaanong kaibigan. Biro mo, susugurin ko 'yung kaibigan ko na 'yun para hanapan ng isang bagay na malay ko ba kung nasa kanya o wala. Syempre, ayokong gawin 'yun sa'kin. Ewan ko ba, masmahalaga yata sa kanya ang pera.
Pero dapat nga bang ituring kaibigan ang taong ninanakawan ka? Syempre hinde. Mapapatunayan ko rin 'yun kung kailangan. Sa ngayon, hanggang "benefit of the doubt" muna tayo. Dahil kung susugurin ko lahat ng pinagsususpetsahan kong "nagnakaw" sa'kin nang wala naman akong ebidensiya, sinugod ko na lahat ng kilala ko, at iniwan na nila 'ko.
---
emo post again? wth walang mapost na sensible masyado. puro pagpupuyat lang naman kasi ginawa ko buong linggo.
No comments:
Post a Comment