This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, August 14, 2009

Pagbabasa

Ayon kay Ser Patnubay, mayroong tatlong paraan ng pagsuri sa panitikan o sining.

1. Moralistiko.
Sa moralistikong pagtingin, hinahanapan nito ng "moral lesson" ang isang akda para maging maganda. Kahit ga'no pa kapiksyonal ang isang akda, kung kapupulutan ito ng aral, maganda ito. Lahat, malamang, ng kwento sa Bibliya ay kung susuriin sa moralistikong paraan, masasabing maganda.

2. Historikal.
Sa istorikal na pagtingin, hinahanapan ang isang akda ng katotohanan, realidad para masabing maganda. Binibigyang diin dito ang konteksto. Ang isang piksyong likha ay panget. Ang akdang base sa katotohanan ay maganda. Kahit wala pang maibigay na aral ang isang akda, kung nangyari, nangyayari, at malaki ang posibilidad na mangyari, ito ay maganda. Ang Engkwentro, kung susuriin sa istorikal na paraan, ay malamang masabing maganda.

3. Formalistiko.
Sa formalistikong pagtingin, hinahanapan ng artistikong pamamaraan ang isang akda para masabing maganda. Ang isang akdang walang ka-arte-arte, bagamat puno ng aral at katotohanan, ay panget. Ang harry potter, kahit alisan ng aral, ay malamang masabing maganda sa ganitong paraan ng pagsusuri.

Ayon naman sa'kin, bagamat ang tao ay tinaguriang "work of art" ng Diyos Ama, hindi applicable sa'tin 'yan... sana.

3 comments:

Samantha said...

wow nice lesson. di ko naisip yun ah. sa tao? mabait (cory) vs makatotohanan (gloria) vs magaling (marcos, gut feelings lang yan haha). oo nga noh. :]

Gelo said...

haha. i was actually thinking of prejudice. pero pede rin.

Samantha said...

haha prejudice nga. pag sinusuri ang tao. aww.