This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, August 18, 2009

Pahingi ng pera, ibibigay ko sa iba.

Thank you.

Antalino lang ng nag-imbento ng dalawang salitang 'yan. O kung sa tagalog, isa.

--
noong araw ng kapanganakan ko, agosto 9, bumili si mama ng dalawang cake. 'Yung ibang tao, nasa kung saang parte ng bahay. Kami ni mama, nasa dining room. Sabi niya kasi, picturean daw akong hinihipan 'yung kandila sa ibabaw ng cake. Okay. Isang sapilitang pagpapakita ng kasiyahan na DAPAT na ginagawa sa isang kaarawan. Hinipan ko. Happy birthday. yehey. hiwa ng keyk. balik sa dating gawi.

kanina, wala lang, sinasabing belated celebration.. este pakain ko, kunwaring nagpunta si aylene at denden ng banyo (kaya pala di pa sa dencio's nagbanyo) para "isurpresa" kami ni kenneth sa pamamagitan ng isang cake. Ako, nasa kabisera. Si Kenneth, sa tabi ko. 'Yung iba, nasa paligid, may hawak na camera, kumakanta. Pipicturean daw, kunwari hinipan. Okay. Isang sapilitang pagpapakita ng kasiyahan na DI INAASAHAN sa isang kaarawan. Hinipan namin. Happy birthday. yehey. hiwa ng keyk. balik sa dating kain.

parang napakasaya nung ikalawang pagkakataon kung ikukumpara doon sa una. Tila lahat ay sapilitan sa una. Pero gawa nung pangalawa, nagkaroon ako ng kaunting pang-unawa sa una. Tuwing birthday, NAKAGAWIAN nang magpacake at maghain ng hindi normal na pagkaing kinakain sa araw-araw (at least sa amin). Walang bago. Kaya ang lahat ay ginagawa na parang automatic lang at hindi kailangan ng pagkukusa, kailangan lang ng salitang "kailangan". Naging responsibilidad umano ng magulang ang pakainin ang anak ng magarbong pagkain. ... na hindi inaasahan sa kaibigan... mga kaibigan. Kaya naman sobrang pasalamat lang nang kaibigan ang gumawa. Pero nung magulang, wala, sige lang. Onting salamat siguro. Ansama kong bata.

--
noong araw ng kapanganakan ko, agosto 9, bumili si mama ng pc. Hindi naman talaga siya regalo para sa'kin. Hati kami ng kapatid kong bunso doon. Kami ang namili ng specs. Bale lahat, nakinabang. Dalawa nalang naghahati dun sa isang pc. Tas kaming dalawa ng kapatid kong bunso dito sa bago. Eh selfish ako, noong una gusto ko laptop para solo ko lang.
Tapos na ang dinner at si lola, kapatid kong babae't si mama nalang ang nasa kainan. Bumalik ako sa dining room para kumuha ng kung anong pagkain. Sabay pinag-uusapan nila na ang sweet ng kapatid kong bunso, nagthank you daw kay mama. Syempre, narinig ko na, sinabi na rin sa'kin sa paraang palambing na magthank you din ako, at nagthank you nga.
Noong isang araw, namigay si mama ng allowance (na hindi karaniwan dahil kami na ang kumukuha talaga nito sa wallet niya). Iritable ako no'n dahil kakagising ko lang at gabi na no'n. Lahat stressed. Ayaw ko yatang gawin 'yung pinapagawa ni mama. Habang nagliligpit siya sa mesang malapit dito sa pc, pabulong o parinig niyang sinabi (ako lang 'yung taong malapit o visible) "wala man lang nagthank you sa allowance."
Sa isip ko, parang "responsibilidad" at "dapat" lang naman niya kaming bigyan ng allowance. Sa pangalawang isip ko, tinetake ko na siya for granted.
--
Kanina, halos ubusin ko ang allowance na hindi ko pinasalamatan at 'yung nung isang linggo pa. Inubos ko 'to sa panlilibre sa mga kaibigan ko sa up. Masaya ako sa ginawa ko pero hindi ko naiwasang mag-isip economically at tignan 'yung opportunity costs. Pede kong pinambili nung bag na nakita ko sa topman na tingin ko gusto ko. Pede ko ring pinambili sana 'yun ng apat pang topman plain shirts. O 'di kaya isang pares ng Vans Authentic. O kaya ng sci cal, payong, at reef cap na nawala ko. Pede ring polo na gagamitin sa papalapit na debut ng kaibigan. O kaya nama'y regalo. Andaming pwedeng bilhin sa P1773.00 pero hindi na uso ang pagiging materialistic. Masaya ako sa panlilibre, dahil ang birthday ay isang dahilan. At ngayon, ito'y isang dahilan para magtipon ang mga kaibigan at magsalo. At masaya na nga ako sa ginastos kong 'yon para lang magkita muli. Totoo, kung bumili siguro ng bag, damit, sapatos o kung ano, magagamit ko 'to ng isang taon o higit pa. Pero ang kaibigan, dapat sana ay panghabang buhay (HAYOP WTF FJDSAOFS NALOKO AKO). Sa bawat isang daang papel na binibigay ni mama, iniisip malamang niya ang aking pagkain, pangcommute, at saya.

--

kaya pasensiya ma sa pagiging ungrateful. salamat talaga. marami.

--

sobrang cheesy wth

2 comments:

aylene said...

napangiti ako, mahilig ako sa special mention eh! wahaha,, you're welcome. :)
EK NA TOOO SA SEMBREAK!!! =D

Gelo said...

hindi halata.
may dalawang buwan pa para mag-ipon-ipon ka. salamat in advance AYLENE!