This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Thursday, August 20, 2009

Say Cheese

Gusto kong mahilig sa art. Gusto ko ring matutong umarte.
Para hindi nadadamay ang iba sa problema.
Para hindi halata kapag may sama ng loob.
Para hindi kita ang nonverbal messages ko.
Para hindi mapilitang magsorry ang tao.
Para hindi papansin pag nananahimik.
Para hindi ako artihang intindihin.
Para hindi matuwa ang demonyo.
Para hindi kunwaring inaantok.
Para hindi ako yung kontrabida.
Para hindi manalo ang kabila.
Para hindi ako maging kj.
Para masaya ang lahat.

Kunwari.

Arte lang naman.
Madaling ngumiti. Madaling tumawa.
Hindi na kailangang manlait ng iba.
Ako na mismo ang tatawa.
Halakhak pa para masaya.
Aarte lang naman.
Baka kumita pa pagtagal.

No comments: