This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Monday, September 28, 2009

Bagyo

Signal number 2. Baha. Walang internet. Kuryente. Tubig. Blackout. Baha. Stranded. Walang pagkain. Kama. Tubig. Cellphone. Kotse, sira. First floor, lubog. Second floor, lubog. Bubong. Walang pasok. Putik. Trapik. Lumulusong na mag-ina. Lumulutang na patay. Nalunod. Nanigas. Nagutom. Inatake. Atbp. 185 deaths (Monday 6am)

Kami. Brownout. Walang tubig. 'yun lang. 'Yung mga kilala ni mama, muntik mamatay buong pamilya, stranded sa mall walang pagkaen wala lahat, yang mga nasa taas. Sobrang pasalamat nalang talaga kami, pero hindi 'yun kita. Dota lang kaming magkakapatid magdamag, parang wala lang. Nag-aalboroto pa yung nasa itaas. Parang sana nastranded nalang rin sa kung saan. Nainggit pa nga ko sa isang kaibigan na nastranded raw sa school ng isang araw. Takte masaya yun. Yata. May pagkain naman. Kesa naman sa bahay lang, pinapanuod ang kung anong kaputaktehan.

(Eniwey)
Sabi ni L, sabi raw sa seminar na pinuntahan niya, 40 years nalang, lubog na ang lupa. Buhay pa ko non, malamang, kung hindi ako hamakin ng mundo o ng sarili ko, sana. Magshishift na raw siya sa BS Environmental Science. 'Yun yung choice ko nun dati sa school niya. Pero ayoko pala. Hindi ako tagaligtas ng mundo sa kapahamakang dulot ng kalikasan. Makasarili ako. Kahit pano, gusto kong mabuhay nang maayos, 'yung tao't sarili lang ang kalaban sa tunggalian, walang kalikasan. Sabi ni M, parusa daw to ni God. Andami na raw kasing mahina ang pananalig sa diyos, atheists and sinners. Sabi ni L, parusa daw to ni Mother Nature. Marami na raw kasing makalat. Isip ko, walang nagparusa nito. Ewan ko. Ganon lang. Wala naman yatang mangyayari pag hinanap ko kung sino ang may gawa nito.  Pointless.
Parang dati, hiling ko, magkadrama. Okay nga sakin kung magkakatotoo yung 2012. Pero moody kasi ako. Sa mood ko ngayon, hindi yun okay. Gusto ko pang maging accountant. Gusto ko pang magkapamilya (skip the wedding part, ayoko nun). Gusto ko pang kumita ng pera. Gusto ko pang bumili bili ng mga hinihiling ko ngayon. Madami pa akong gusto. At pasalamat ako, hindi ako isa sa 185 na 'yun.

Wala talagang pinili si Ondoy. Skwater man o exclusive villages, sinira. At magandang tignan yung mga nagtutulungan. Bilis eh. Pero please, selfish ko, kung may Diyos man, wag Mo kong papatayin sa isang disaster. Kung may mother nature man, wag ka muna bumigay. Magbabago pa yan.

----

lang kwentang post. for the sake of posting. WALA PA RING NET SA BAHAY.
Sana maayos na lahat.

No comments: