"Nakakainis 'yung may-ari ng eroplanong 'to no? (Sumang-ayon ka) Tara, samahan mo 'ko, pasasabugin ko 'to. Eto parachute. Eto bomba. CR tayo kunwari. Tas kunwari alam na. Itatanim ko 'yung bomba, aalugin mo 'yung pinto tas uungol ka. Para isipin nila alam na. Isuot mo na ung parachute, tatalon tayo agad, may plano na 'ko, sumunod ka nalang."
May tatlo kang pwedeng gawin.
1. Isumbong siya.
2. Dedma.
3. Tulungan siya.
Kapag sinumbong mo, baka napigil mo ang krimen, pero kinupal mo siya. Pinagkatiwalaan ka niya, tinraydor mo siya. Nabastos ang effort niyang ilahad ang plano sa'yo.
Kapag dinedma mo, wala, accomplice ka na sa krimen. Narinig mo na eh tas wala ka pang ginawa, accomplice ka na, kasama ka sa krimen. Ok lang. May karamay si kriminal.
Kapag tinulungan mo, okay lang naman. Kahit naman wala ka, itutuloy niya ang plano. Pero pinadali mo 'to. Pinasaya mo ang kriminal.
Palagay ko ganyan din sa pagiging isang mabuti(hindi mabait)ng kaibigan. Sa bawat relasyon, napapanuod ko, na kailangan open ang mga kasali sa isa't-isa. Ang pagiging bukas kasi ay nagpapakita ng tiwala at pagkamalapit.
Parang kapag nagkwento ako sa'yo ng problema ko. Kapag sinabi mo sa iba, mababad trip ako. Problema ko 'yun eh. Pero kung dedma ka lang. Okay lang. Pinakinggan mo 'ko, matutuwa ako. At pag tinulungan mo ko, okay lang rin. Para may exchange ng pagiging bukas.
Palagay ko esensya sa isang matagumpay na relasyon nga ang pagkekwento. Walang kwenta para sa'kin ang kaibigang para sa laro lang. Kakausapin mo kapag magbabasketball lamang. Pag wala na sa basketball court, 'di mo na kalapit. Kalokohan. Sa pagkekwento nagsisimula lahat. Sa pagkekwento, para kang namimigay ng stocks sa isang tao at nagiging shareholder na siya ng pagkatao mo. At habang palalim nang palalim ang inaabot ng pagkekwento, palaki nang palaki ang shares niya. Lumalalim nang lumalalim ang pagkakaibigan, nagiging maskomportable sa isa't-isa. Kusa't sapilitang na-aadjust ang pareho dahil ito'y paraan ng komunikasyon at sa komunikasyon, nag-aadjust ang magkausap. Pero eto may lalim, at masmalaking adjustment ang nagaganap. Ano kung malaman ang kahinaan? Pag magtitiwala ang lahat ng tao sa lahat ng tao, palagay ko magiging napakatinong planeta ng earth. Tiwala lang 'yan na hindi ka huhusgahan at hindi ganoong magbabago ang pagtingin sa'yo ng tao. Sabihin nating masama 'yung kinwento, bagamat sinasabing masmalalim itong bagay kaysa sa ibang alam mo, ang masmahalaga ay 'yung tiwalang binigay sa'yo para sabihin ang ganong klaseng bagay sa'yo. Hindi kailangang manghusga. Ang mga pinakamaselan, panget, masamang bagay ang mga pinakamahirap sabihin malamang sa isang kaibigan at kapag nasabi, palagay ko isa itong pag-angat sa lebel ng pagkakaibigan, paglalim.
At pagkahayjak niyo ng eroplano, sabay kayong magpaparachute pababa sa lupa. At pagbaba niyo sa lupa, isang matinding paglalakbay muli, na kasama ang isa't-isa, ang ihaharap sa inyo ng ginawa mo.
------------------------------------------
Background?
Ang nasa itaas ay isinulat ng isang taong malamang ay naghahanap ng pagmamahal mula sa isang kapareha o katuwang sa buhay kaya nama'y pinahahalagahan, palagay niya, nang husto ang kanyang kaibigan na siya lamang naryang kahati niya sa buhay. Drama no?
Abangan:
malapit na... unti-unti na akong nakakabuo ng blog sa isip ko... tungkol sa hiwaga ng pinakamahiwaga.
5 comments:
haha. cute pic. agree sa lahat ng sinabi mo about kwento. meron nga sa buhay na kalaro mo lang sa court at paglabas wala na. meron ding friends yung mga hindi mo nalaman ang pangalan pero naging mabuti sayo (strangers o yung mga nalimutan mo ang name). hindi ko alam kung matuturing na friends yun, kasi di naman kayo nakipagbahagian. siguro friend pero di close friend. at siguro parang may assurance ka agad na pwede ka magshare sa kung sinomang stranger na yun kung bigyang pagkakataon. tingin ko highest level of friendship yung alam na lahat tungkol sayo pero di kayo nagkakasawaan o di nang-iiwan. one in fifty people lang yata ng mga taong nakikilala mo ang nagiging ganon
bunga 'yan nung gabi kela lyka kaya medyo inulit ko lang siguro ung mga nasabi non.
yes naman. 1/50 talaga. Matanong ko lang, ganon ba kayo ng ex mo? (May inaalam lang, hindi tungkol sa'yo kundi tungkol sa relationships)
no problem. haha. yung pagtrato nia sken dati 1/50. nung friends plang pag nagoopen, trivia2 pero interesado ang isa na marinig kaya nagiging usapan at palitan ng tanong/kwento. masaya kasi everyday may bago akong nalalaman at nagsshare ako unti-unti.
nung naging kami naging fact nlang yung mga kwento namin, wala nang ganong "talaga?" factor dahil accepted na. "oo nga" nlang at payo. dumagdag din dun yung other problems na mababw talaga. nung dulo, nwala yung pagka-1/50 dahil yung mismong mga tungkol samen (our relationship) may iba siyang pinagkkwentuhan. ayun. nwala ang trust. how sad.
tsk tsk tsk. ganon kaya talaga sa isang relasyon? hay hay.
hindi siguro palagi ganon. haha. di lang siguro perpekto. nagkakamali madalas.. hmmmmmmm baka pwedeng gawing example ang mga magulang dahil dumaan na/dumadaan sila jan.
Post a Comment