Ang bata ay wala pa gaanong alam sa mundo at ang TV ay isa sa mga paraan niya para makita ang mundo. Kaya nga may parental guidance o kung ano. Baka kasi kapag nakitang magmura ng isang bata si Superman, gayahin na niya. Ay kryptonite puta. Kaya tulad ng paaralan, malaking-malaki ang epekto ng TV sa pag-iisip at pagtingin ng isang bata sa mundo. Isa rin itong paraan ng paglektsur, pagdikta, pagsermon, at pagturo ng sinasabing tama at mali. At madali nitong napapaniwala ang bata.
Ang TV ay wala ring gaanong alam sa tao at karamihan sa mga pinapalabas dito ay nabibilang sa isa o pareho sa dalawang kategorya: ang dinagdagan at ang binawasan. Ang WWE ay isang eksaherasyon ng away ninuman pero ito ay pahapyaw lamang malamang sa mga underground wrestling. Ang mga telenobela ay eksaherasyon lamang ng buhay na tinadtad ng dramang ewan kung posible ring mangyari. Pero kahit anong pagdagdag o pagbawas sa tunay na nangyayari, ito'y nakakaaliw pa rin dahil kinukuha lang nito 'yung interesanteng bagay at 'yun ang pinapalabas. Kaya nama'y ang kadalasang lumalabas ay nakakatawa o nakakaiyak o kung ano mang emosyon. Kaya lang, maaaring hindi ito makuha ng BATA. Nakikita niya sa mundong ginagalawan niya, wala namang true love talaga. Wala namang very close best buds. Wala namang divorced parents. Wala namang friends with benefits. Wala naman talagang kahit ano. At dahil nakita niyang nakangiti ang mga iniidolo nyang artista habang ginaganap ang karakter ng isang nilalang na malayo sa tao, nakikita niya ang kasiyahang makakamit niya pag nasa kondisyon sya ng idolo niya. Kaya hinahanap niya ito sa mga tao't bagay na nasa paligid niya. Pilit niyang binibigyan ng saya at drama ang buhay niya, hindi siya makuntento sa tunay. At nabibigo siya. Dahil wala naman talaga.
2 comments:
wow di ko nabasa ng maayos yung eksaherasyon. haha yun pala translation nun. oo minsan kasi sa tv rin nagmumula ang expectations talaga gaya ng sa love. lalo na sa anime. mga fight till the end ung tema kaya sobrang dumadrama kung magmamanifest sa totoong buhay.
haha. di ko sure yun. pinilit ko lang itranslate. baka mali rin.
Anyway, oo, mahirap talaga lalona pag di makaget over sa tv-life. hay.
Post a Comment