Kanina, masayang nagsimula ang araw ko. Sabi ko kasi noong isang araw, dapat maging masaya 'tong linggong 'to, kagaya nung nakaraang linggo. Sige. Saya. Sumabay ako kay mama palabas ng village kaya wa pawis. Mabilis rin nakasakay ng may kaluwagang jeep kaya wa pawis. 30 mins early kaya nagbasa-basa muna. Saka nagsimula ang "LIVE SHOW" ni Jose Javier Reyes. Kalupitan. Parang sana naiwan nalang siya doon sa panahon ng kanyang pagsikat. Pambihira nalang naman yata ang mga ginagawa niyang pelikula ngayon (eg. One Night Only, Magkaibigan, My Monster Mom na hindi ni minsan sumagi sa isipan kong panuorin). Sana hindi mastarcinema o regal o viva films ang mga tulad ni Brillante Mendoza, Raya Martin at Mike Sandejas.
Kanina, sinikap kong ipagpatuloy ang sayang dulot ng grado. Binalita kasi kahapon na 91 (highest sa klase. yabang) ako sa 3rd Long Exam sa Stat 101 na siya namang pinag-aralan ko naman talaga, no'ng gabi bago 'yung exam nga lang. Bale may uno challenge kasi kami sa PE. May itinurong footwork si sir. Walang makagawa nung una. Ang makakagawa raw, UNO NA. Edi todo praktis ako sa bahay hanggang sa feeling ko kuhang-kuha ko na. Sabay kanina, ako lang ung sumubok para dun sa uno. bida-bida. nakakahiya. Kaya sige. Ayun. Iba raw 'yung ginagawa ko. WTH lang. Sobrang sakit nun sa ego ko. Pahiya ako eh. Takte. Sa isip ko talaga, dapat iredeem ko sarili ko. Dapat magbigay todo ako sa practice nung routine namin. Ayun pawisan. Habang nagpapraktis, 'yung isang lalaking malapit sa'kin, sinusubukan 'yung uno challenge kaya sabi ko sa kanya, subukan namin pagtapos ng klase. Kaya ayun, sinubukan namin. Ginawa ko lang 'yung ginawa ko kanina. Hindi lang ako naggroove kasi baka groove ako nang groove mali naman pala ung footwork. Pero ayun, nakuha naman raw. Hinahanap nalang daw ni sir ung groove. e pambihira. haha. de okay lang. may plus points nalang daw kami. yehey.
Kanina, umulan nang malakas matapos ang klase. Nagpalipas muna ko ng oras sa gym para magpakalma at magpalamig. Para di ako nagpapawis habang pauwi. Panget 'yun. Eh nagbrown-out at sobrang lakas ng ulan at hangin, so nanatili muna ko 'dun ng halos isang oras. Andilim. Naka-ipod lang ako at nakapikit. Sabay pagdilat ko, sarado na ang gym. Hindi ako natakot, naexcite pa nga yata. Ginusto kong may mangyaring masama, na sana, kinulong kami ng mga tauhan ni gloria o ng kung sino. Para masaya, iba sa karaniwang araw. Pero ilusyon ko lang 'yun. Naglakad na 'ko papuntang AS. Kanina, nagsasalita akong mag-isa. Ako lang kasi ang tao sa may oval o sa area malapit sa'kin. Tinatanong ko pa nga kung baliw na ba ako sa ginagawa ko. Gago. Pero magiging baliw lang naman ang isang baliw kung pangalanan siyang baliw. Ang ginagawa ko lang naman ay paglabas sa bunganga ng pumapasok sa isipan. Kung may makakita mang iba't tawagin akong baliw, edi baliw. Kung hindi makita, edi hindi baliw. Gaguhan lang yan.
Kanya-kanyang kabaliwan yan. Kanya-kanyang paraan ng paglihis sa nakagawian. Paglihis na nakabubuti pero ayaw ng karamihan. Ang ginawa ni Jose Javier Reyes sa pelikulang Live Show ay pagbibigay tinig lamang sa mga tila ginawang laruang tao. Kaya lang, ayaw ng mga sobrang konserbatibong iharap ang katotohanan at ang nararamdaman ng biktima ng katotohanan sa sambayanan. Ang ginawa kong pagsubok maka-uno ay isa lamang pagtanggap sa hamon na iangat ang sarili nang hindi umaapak ng iba ngunit ang sa isip ko, ang lipunan ay inggitero, kaya ako nahiya at napahiya. Ang pagboses ng isipan ay hindi rin naman masama't nagpapakita pa nga ng laya. May tinatawag na intra-personal communication ngunit ayaw ng lipunang marinig ito kaya tinatawanan ang sinasabing baliw na lalong nagpapabaliw sa mga naturingang baliw.
No comments:
Post a Comment