This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Thursday, September 17, 2009

Kung Bakit Ko Gustong Kumuha

Una. BS Business Administration and Accountancy.
Ikalawa. BS Business Administration.
Ikatlo. BA Psychology.
Ikaapat. BS Business Economics.
Ikalima. BA Film.

tangenano? mula computer ENGINEERING, magiging sana business, psych, o kaya film. takte anlabo lang. Pero ako, film? film, kurso? AHAHAHA? ulol.

Bakit ko gustong maging isang film maker/director ('di ko alam ang pinagkaiba).

1. Bilang self-proclaimed creative being na jack-of-all-trades at master of none, naisip kong sa paggawa ng pelikula, maipagsasama-sama ko ang lahat. Palagay ko mahilig akong magsulat pero pag nagsusulat yata ako, mas-iniisip ko kung pano 'to lalabas sa tv o sa screen. (lol). Palagay ko gugustuhin kong magphotography kung mabibigyan lang ng materyales, sa paggawa ng pelikula, libong larawan ang kukunin ko. Palagay ko mahilig ako sa magandang musika, maihahalo ko tong background music ng pelikula ko. Palagay ko mahilig akong gumawa ng plays, sa pelikula makakagawa ako ng maayos na play na maspinalawak. Palagay ko mahilig ako sa mga pelikula, sa panunuod ng mga ito, mapauunlad ko ang sarili ko bilang filmmaker.

2. Makapagbibigay ako ng malawakang mensahe sa malikhaing paraan gamit ang pelikula o kahit anong uri ng film. Nabibwisit ako sa mga sobrang konserbatibo. Nabibwisit ako sa mga nagbubulag-bulagan. Nabibwisit ako sa mga ayaw sa RH Bill. Nabibwisit ako sa mga impokrito. Wala akong maihahatid sa mamamayang pilipino pag naging accountant ako. Malamang sa malamang, wala. Baka pag ituloy ko sa paglalaw, baka magkaroon.

3. Iniinspire ako ng mga pelikulang napapanuod ko sa UP. Kasama rito ang mga entries sa Cinemalaya filmfest at 'yung mga pinapapanuod sa klase, tulad ng TULI at LIVE SHOW sa Pan Pil 19. Kanina namin pinanuod ang kalahati ng LIVE SHOW at bago simulan ang pelikula, mayroon munang dokyumentari tungkol sa pagbaban ng pelikula. Pinapurihan ito sa Berlin film fest yata noon ngunit nang ipalabas na dito sa Pilipinas, INAWAY si Jose Javier Reyes at dito nabilib ako kay Jose Javier Reyes dahil nanatili siya sa kanyang pananaw at hindi nagpatinag, sa halip, naubos lang ang respeto niya sa mga noo'y akala niya'y kalebel niya. Di bale na ang kaibi-kaibigan, wag lang ang kanyang paninindigan.

4. Sabi ni din ni JJR, pagpunta niya sa Berlin, naging proud siya hindi dahil nakarating doon ang pelikula niya. Naging proud siya dahil siya ay isang FILIPINO FILMMAKER. At balang araw, gusto ko ring maturing na isang filmmaker.

5. Malaki rin naman ang kita malamang. Kung magaling lang. Gusto ko na ginagawa ko, yayaman pa ako. Ansaya ko lang. At kung aasa na nang lubusan, baka maging Nat'l Artist rin. maraming benefits 'yon. SYEMPRE HINDI KO TATANGGAPIN KUNG SI GLORIA O KUNG SINO LANG ANG NAGPASOK SAKIN. (haha ambisyoso)

Bakit hindi ako pwedeng maging isang filmmaker?

1. Kasi ayaw ng magulang... ni mama. Tinanong kasi ako minsan kung pano kung di ako makapasok sa BAA. Sabi ko mag-aapply ako sa lahat ng pwede. Econ. Psych. AT FILM. Ayun. Nagulat. Parang nagsumbong kay lola na "Magfifilm daw siya pag hindi sya nakapasa sa BAA." Basta. Alam nang ayaw.

2. KAILANGAN malamang ng puhunan.. malaking puhunan. Ewan. Siguro talent fee agad para sa mga actors. Mga kagamitan. Set. Production design. Staff. Etc. Matinding pagloloan etc. RISK itong takteng to. Isang malaking RISK. Maraming indie film makers jan... yata. Ibig sabihin, maraming kalaban sa atensyon. 'Yung kilala kong BA Film, pansin namang mayaman eh. Eh pambihira. Baka pag ako, ako lang mag-iipon talaga (ganon ang sistema dito, trip mo, bibilhin mo, pera mo). At paminsan-minsan, kailangan talagang maypagkamababaw ang storya, bigaten ang artista ng isang pelikula para pumatok sa takilya. Putanang bansa.

----------
Kaya konklusyon: Karalitaan at lipunan ang kumikitil sa bawat pangarap.

1 comment:

jhoenkid said...

di naman kailangan maging indie fild director e. kasi marami ka ngang kaagaw dun. mag iba ka. rsj director nalang. work underground. diba. onti lang puhunan. isang kwarto lang naman gagamitin e. pde pang ung cameraman ang isa sa mga actors. diba sulit. hahaha