This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, September 29, 2009

Lilim

1. Nagsusuri kami ng isang tula yata, basta akda, at nasa momentum si ma'am. May tanong na susundan ng tanong na susundan ng tanong dahil walang makakuha ng hinahanap niya. Mabilis niyang tinanong, "Baket? Ano'ng meron sa dilim?" Nalimutan ko na kung anong sagot ang pumasok sa isipan ko. Nagtaas ako ng kamay pero buti, may ibang nagtaas ng kamay. 'Yung sagot niya yung hinahanap ni ma'am. Sikreto. Nasa dilim ang mga sikreto.

2. Tinanong ng kapatid ko kung ano 'yung dinadownload ko sa torrent, "LIVE SHOW" kasi ang nakalagay. Akala bastos. May sex scenes nga, pero di 'yun porno. Tapos medyo pinabango ko yung mga pinoy indie films. Tapos sabi nya, puro lang naman kabastusan, sex, kabaklaan yang indie films na yan, eg. Masahista. Wa raw kwenta. Sabi ko, panuorin mo tong Live Show.

Kahapon o noong isang araw, pumunta ako saglit sa mall malapit para mag Internet. Nawala kasi ung Internet dahil kay Ondoy (oo pasalamat ako at internet at tubig lang ang nawala sa'min). Napadaan ako sa Odyssey na nagpapatugtog ng The E.N.D. album ng Black Eyed Peas kaya pinasok ko na. Pumunta ako sa Video section ng tindahan. Local. Sa gilid ng mga Iskul Bukol at kung anong blockbuster hit na napapanuod sa MMFF at kung ano, kapansin-pansin ang "M2M". Ayun. Art of pleasuring. Art of teasing. Mga ganon ganon. Hinalungkat ko ang bahaging 'yon at nakita ko ron ang ilang indie film na hinahanap-hanap ko tulad ng Jay, Daybreak, Serbis, at Tirador.

Ang mga ito'y Filipino independent films, Pinoy indie films na pinapupurihan nang husto sa ibang bansa. Tapos makikita ko nalang ang mga 'to sa likod ng mga mapanuksong larawang ewan kung matatawag na porno.

May pinanggagalingan. Hubad naman kasi halos lahat ng cover ng cd. Tungkol rin karamihan sa seks at sa kabaklaan. Ayaw "yata" 'yon ng mga pari so ayaw rin "yata" 'yon ng mga Pilipino, pero ewan ko kung gusto naman talaga ng tao. Hindi ko pa napapanuod, pero ang mga pelikulang 'to, pag iniisip ko, palaging madilim, sa gabi nangyayari. Kasi pribado halos nagaganap. Bawal isapubliko. Itatakwil ka ng sangkatauhang walang tama kundi ang sariling tama. Sikret.
Ang mga pelikulang 'to, pagbibigay kaunting liwanag sa mga nangyayari sa dilim, sa mga tinatawag nating taboo, sa mga tinatawag nating bastos. At naniniwala akong hindi ito kasalanan. Siret.
Naniniwala akong hindi napararangalan nang wasto ang pinag-isipang husto ng matatalinong direktor at manunulat. Minsan kasi, masmaganda talagang dont judge a book by its cover, dont judge a movie by its poster o trailer. Ang In My Life nga, ang pinapakita sa trailer, puros pagmamahalan ng dalawang lalake. Pero pag pinanuod mo, wala naman talaga yun.

Wala. Sana mabawasan ang prejudice at self-righteousness sa mundo at madagdagan ang parangal at pagkilala sa mga matapang na nagtatangkang ilawan ang dilim na wala naman talagang dapat ipangamba, at minsan kinapupulutan pa ng kung ano.








2 comments:

Samantha said...

maxado na kong ncccurious sa live show. feeling ko pag pinanuod ko samen... mas acceptable kung buong pamilya kesa ako lang. sana nga di kabaklaan ang nppansin sa unang tingin kc may mga produktibong "ayaw" ng lipunan. mas ok pa ung ganyan kesa mga pa-machong pa-tambay lang. HAHA. anyway epal lang minsan feel ko ang lalim ko na magtagalog. wahah.

Gelo said...

peram lang ng usb 1gig na free, copy ko. Sige go, invite mo family, kung tingin mo di ka mahuhusgahan.
haha ganyan talaga