This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, September 29, 2009

Macro at Infinity

^camera-camerahan
--------------------

Minsan, pag may assignment o kung ano, natutulog ako ng 10pm at gumigising ng alas dos. Tapos ginagawa ko na 'to hanggang magising ang lahat.
Nabibwiset ako pagka binubuksan nila 'yung ilaw dahil alas singko alas sais nga at may kadiliman. Nagliliwanag kasi, nakikita ko ang ibang bagay. E kung tong monitor lang ng computer ang naka-ilaw, 'yun lang ang nakikita ko. 'Yun lang ang tutuunan ko ng pansin. Masmatatapos ako sa ginagawa ko ng maaga.

Kadalasan, sa likod ako ng klasrum umuupo. Sa likod, sa pinakagilid. Dulong-dulo. Kasi kita ko ang lahat, at guro lang ang nakakakita sa'kin. Pero ngayon, dahil may kilala sa isang klase, napipilitang umupo dun sa tabi niya. E 2nd row mula sa harap iyon, sa gitna pa. Parang nasa harap talaga ako mismo ng titser. Bawal tuloy matulog. Parang bawal rin kumilos. Pero lahat ng atensyon ko, nasa kanya. Mabuti.

Ilang beses na 'kong nakanuod ng play. Sa tatlong play, sa pinakalikod ako nakaupo. Sa dalawang play, sa may harapan ako nakaupo. Nalilihis ang atensyon ko pag malayo ako sa stage, di tulad ng pag nasa harap, andun lang ang pokus ko. Masnagegets ko kapag nasa harap ako.

Minsan, sa takot ko na "baka" may nakakakita't namumuna sa akin, pumupunta ako doon sa hindi ako nakikita. Sa minsang yon, nananaig ang takot kaysa kagustuhan kaya nawawala ang kung ano mang tunay na pakay. Sa isang hardin ng mga bulaklak, masmaganda nga yatang macro na focus ang gamitin.

No comments: