This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Tuesday, September 8, 2009

Manonood Ako sa Araneta

Ayon sa mga natutunan ko sa Economics kong subject, kapag ang demand for a good ay relatively INELASTIC, tataas ang revenue ng producer KUNG TATAASAN NITO ANG PRESYO.

Ang UAAP Cheerdance Competition ay isa sa pinaka-inaabangang event ng mga taga-UP at UST. Dito kasi nagpapasiklaban ng galing sa pagsayaw, pagcheer, paggawa ng stunts, at pagbubuo ng routine. La Salle na nga at Ateneo sa basketball. Pero UP at UST naman sa cheerdance. At syempre, dahil lahat ng kasali sa UAAP ay makikilahok, NAPAKARAMING ESTUDYANTE, mula sa mga universidad na 'to ang dadagsa sa Araneta. Na siyang nagdudulot ng MATAAS NA DEMAND at medyo inelasticity nito. PERO dahil ang event na ito ay sa UAAP at isang competition (hindi kailangan ng talent fee) lamang, hindi malamang reasonable ang pagtataas ng presyo para umabot ng libo dahil hindi naman artista o international superstars ang papanuorin namin. Kaya naman nananatiling normal ang presyo ng mga ticket, 50-350 siguro.

Kahapon, Linggo, pumunta ako, kasama si Aaron, sa Araneta Coliseum dalawang oras bago ang itinakdang simula ng bentahan na 9am para sa ticket sa UAAP Cheerdance Competition 09. 10:30 na yata nagbukas ang box office at makalipas ang wala pa yatang isang oras na pag-usad ng pila, inanunsyo na, "SOLD OUT NA PO PARA SA CHEERDANCE. WALA NANG TICKET, PERIOD."

Sabi ng UAAP, at sabi na rin nila mismo, 20% ng tickets lamang ang ibebenta nila. Ang 80% ay nasa kanya-kanyang unibersidad (10% each). Sabi na rin nila mismo, nasa 17,000 ang kayang PAUPUIN ng Araneta Coliseum. 20% ng 17,000 ang ibebenta nila. 3,400, kung hindi ako nagkakamali. 'Yung bilang ng taong nasa harap namin sa pila, wala pa 'yung isang libo kaya naman hindi kami makapaniwalang ubos na ang ticket. Nagkaroon ng mistulang rally sa harap ng box office. Unti-unti kaming hinarangan ng mga gwardiya. Pausog nang pausog 'yung lubid na para sa pila, hanggang patabihin na kami sa pinakagilid. Mga walang hiya. Buti nga at may kasama kaming matanda. 'Dun lang sila nakinig. Pinapasok nila 'yung matanda para siyang kumausap dun sa ticketnet mismo. Antagal ng usapan, wala pa ring nangyayari. Isang oras na yata kaming Nakaistambay dun, pinipilit silang ilabas ang NAWAWALANG TICKET. Sabi nila bumalik nalang raw kami sa Linggo at magbebenta sila muli ng SRO tickets para sa Upper A at B, tas iba pang Gen Ad. Wika namin, "BAKIT HINDI PA NGAYON?!" Wala silang matinong sagot, wala nga yatang sagot. Nasa 150 nalang yata kaming natira don, mag-aala-una na ng hapon. Hindi kami mapapaalis nang basta-basta.TAPOS, makalipas ang ilan pang pagbibiro't pangangantyaw namin sa mga gwardya, may dumating na mama't binulong-bulungan yung head ng security doon. At 'yun, 500 tickets para sa amin, 1person:2tickets. GEN AD.

Kanina, sa opisina sa CHK, tinanong ko kung Gen Ad nalang ba talaga ang ibebenta nila. Sabi ni madam, oo. Tinanong ko kung nasan 'yung mga Upper A at B, sabi niya nasa ibang eskwelahan. Sabi ko, "ganon? Gen ad lang binigay sa'tin?" at hindi na 'ko pinansin, kaya lumabas na lang ako.

Ang tanong lamang, NASAAN NA ANG UPPER A, UPPER B, LOWER BOX, at PATRON TICKETS? May isang estudyanteng sumigaw sa pila kahapon, "IBIBIGAY SA SCALPER, IBEBENTA NG LIMANDAAN!" Sa hangarin kong manuod ng event na ito, tila 'di lamang ang pep squad ng bawat unibersidad ang mapapanood ko, kundi ang kawalanghiyaan at pagkaganid ng mga maykapangyarihan rin. Mapagsamantala. Abusado.

'yun ay kung totoo.
-------------------------------------------------

Wala naman talagang masama kung magbigay sila ng SRO tickets. Noong isang taon, umabot halos ng 23,000 ang bilang ng mga nagsinuod sa cheerdance competition. 6,000 extra tickets mula sa inaasahan nilang maximum na 17,000. Ang kanilang total cost ('yung gagastusin para sa event) ay hindi naman madaragdagan (siguro onting paglinis ng kalat lang) kapag nagbigay sila ng SRO tickets kaya KIKITA pa rin sila nang sobra. Pero inaabuso nito ang pagka-inelastic ng demand (ibig sabihin, kahit anong taas o baba ng presyo, ganon pa rin karami ang bibili) kaya patagong nagtataas ng presyo. Malamang isa rin 'tong paraan ng price descrimination. Puro gen ad lang ang mga binebenta para kumita sila doon sa mga di ganoong pinalad at walang balak mag Upper A, B o Lower Box. Tapos saka peperahan nang husto ang mga kayang bumili ng mga nasabing tickets. Sabi nga nung isa doon, "MAHINA NA SA KABATAAN SI MAR ROXAS." Hindi ko alam kung si Mar Roxas ang nagpapatakbo non, pero KUNG sa Araneta pa lang ay ganyan na, pano pa pag naging presidente? Nako, ewan ko nalang.

9 comments:

kring23 said...

uu mar roxas. haha meh dugong araneta yun ehh. actually family niya yun ata. oo. haha :0 kelan ba ang cheerdance?? sama!!!

Gelo said...

haha o yan. wag na iboto. lol.

sa Sunday na cheerdance. nako. depende pag makahanap ka ng ticket. si lyka pinatingin ko sa ateneo, bibili siya as many as possible kung meron. yun kung kaya ka edi go haha

Anonymous said...

I have 2 GEN AD tickets… (2009 UAAP Cheerdance Tickets)
But I need 1 Upperbox A or 1 Upperbox B ticket…
sinong gustong makipag-trade?

For upperbox B, babayaran ko pa kayo ng P50…
For upperbox A, babayaran ko pa kayo ng P100…

just email me…
ancientruins2010@yahoo.com

kring23 said...

paalis plng. :D

kring23 said...

haha gelo business talk oh. haha/. dali wala na ang ama ko!

Gelo said...

haha kring23, di ko nagets ung comment mo.

Samantha Coronado said...

nakita ko sa globe pag nagpaload ka daw sa SC ng 300, free upper box A tas pag 500, two upper box A. may fliers sila. pero nakakatakot pa din. ang laki nun oh! baka ikaw you might want to check it out. NYAHAHA. BTW, would you believe temporary deleted yung lj ko. :'( kasi mga haters sa mundo. amputa. may bago na ko. finollow na kita. xoxo.

Gelo said...

seryoso? game paload na ng 500. hati tayo, tig 250. hanggang kelan raw yun? nasayo na gen ad ticket mo?
grabe, sino ba yang haters mo. tsk tsk.
ano link? http://samee27.blogspot.com ?

Samantha said...

hindi ko alam kung meron pa sa ngayon. feel ko may terms and conditions pa yun. hahaha. tactics. pero sige hanapin ko sa SC kung saan yun at mag-inquire. wala pa saken tix ko. bukas ko pa makkuha. si lyka di na nagupdate. feeling ko wala na rin. taas ng demand eh.
http://samanthacoronado.blogspot.com yung bago. :]