This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Thursday, September 17, 2009

Pagbibigay Larawan sa Salamin

Napakiusapan ako/kami ng isang kaibigan na ilarawan siya - physically, cognitively, emotionally, socially, etc. Project niya kasi sa Psychology10 - A SelfScape. Kaibigan siya. Pero wala akong maisip, puro general lang. Para bang 'di ko kilala. Pero kaibigan siya.

'Pag inimmerse ka sa isang kapaligirang bago ka, malamang lamang, maninibago ka, pupunahin mo lahat, mapapansin mo lahat - ng katulad ng nakagawian at ng iba sa nakagawian. Pero paglipas ng ilang araw at nagiging halos permanente na 'to, nakakasanayan na. At sa pagsanay, nagiging normal na lahat ng bagay at hindi na napapansin. Gano'n din sa isang kaibigan. Sa simula, maraming pwedeng sabihin, maraming first impressions. Pero nauubos rin ang first impressions pag nakikilala na 'yung tao, aabot sa last impression, hanggang sa tuluyan nang tanggapin ng pagkatao mo. At muli, kapag natanggap na't nakasanayan, mahirap nang mamuna't makapansin, liban nalang pag may nagbago.

Yan, kaya ako nahihirapan. Kasali na ang kaibigan sa pagkatao ko at hindi ko na kayang hugutin palabas para sipatin. Kailangan ng pagbabago para mapansin kung ano ang dati at ano ang bago. At sa ngayon, wala pang nagbabago.

---------------------------------------------------------------

P.S. Baka joke lang yang sinulat ko sa taas. Malimutin lang talaga yata ako. Alam ko andaming beses na nakakaisip ako ng description sa mga kaibigan na gusto kong sabihin sa kanila. Pero tulog lang ang katapat non at wala na. Hahay.

No comments: