This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Thursday, September 3, 2009

Pamagat Dapat

Ang nasa itaas dapat ay ang pamagat
kung ang ginagawa ay tula at hindi sulat.
Kelan pa nagkapamagat ang sulat?
Ano, Dear Ate Charo, (pamagat:) Sulat.
Tapos dapat ito'y may sukat.
Isa, dalawa, tatlo, apat.
Saka lalagyan ng tugma sa dulo at
'yun. Wala talagang kasunod yung at.
Linagay ko lang kasi daw dapat.
Hinahati daw ito sa saknong at
Karaniwang may linyang apat.
Pilit na pilit, wala nang sukat, basta dulo ay at.

Eto na ang susunod na saknong.
Dapat lahat ay nagtatapos sa ong.
Kung dapat isawsaw ang mangga sa bagoong,
dapat ring nagtatapos ang linya sa ong.
Kundi ay 'di na 'to tula at isa nang patapon.
Wops, pede daw iyong ganoon,
basta nagtatapos sa om, on, ong.
Ang hindi lang pwede, ay og o os o ol. Ong.
Oi, naalala ko tuloy si Bob Ong.
Nagmula daw siya sa isang blog na bobong
Pinoy. Malayang sumusulat, di nagtatapos sa ong.
Baka kaya bobo, kasi malayang walang ong.

Ang panitikan daw ay may simula katawan katapusan.
Pa'no ko na nga ba 'to sinimulan?
Matuturi ba 'tong lintik na tong panitikan?
Malikhaing pagsusulat 'tong kurso ko at kailangan
daw sundin ang mga bigay ng gurong pamantayan
kung ayaw kong masipa, masingko, o masermonan.
Malikhaing pagsusulat naman daw 'tong pinapag-aralan,
Hindi malayang pagsusulat na kahit ano lang.
E ano pa nga bang silbi ng pagkamalikhain sa isang larangan
kung ang sinusulat ay wala namang kalayaan;
Nag-aaral ako sa malayang bayan.
May batas, pero nasusuhulan. Tuldok.an.

--------

sinusubukan lang tumula.
bigo sa dulo, walang maisip na magandang pantapos. th.

No comments: