Nagiging proud ako sa sarili ko paminsan, pero masnatutuwa yata ako pag nagiging proud ako sa iba. Proud ako kay ganyan pag sumasayaw siya. Proud ako kay ganto pag pasado sya sa accounting. Proud ako kay ganyan pag may nagawa siyang magandang blog. Proud ako kay ganto kapag nagtateatro siya. Proud ako kay ganyan pag nagiging DL sya. Proud ako kay ganto pag may nag-e-excel siya. Proud ako kay ganyan pag may magagandang pictures siya. Proud ako kay Archuleta nung successful 'yung Crush niya. At ngayon, proud ako kay Kris Allen sa Live Like We're Dying niya.
Madali lang naman yata ako maging proud... Maliban nalang kung mayabang ang tao. Ayoko sa mayabang. Hindi nun kailangan ng taong magiging proud sa kanya. Kailangan niya lang ng taong pagyayabangan niya. At hindi kailangan ng tao ng mga kagaya niya.

5 comments:
mas gusto ko yung original na live like were dying pero okay na din kay kris, chill type song
ganon, di original ung first single ni Kris?
unreleased track lang sya na inangkin ni Kris, so parang wala din karapatan na meron yung original dun sa song
ay ganon nang-angkin nalang. tsk tsk.
labas na ba ung kay adam lambert?
la pa, naantay ko nga, mganda daw sabi nila Lady Gaga..Strut yung title
Post a Comment