Sa chat,
Haha
Isang pagpunan ng puwang. Para hindi dead air. Natawa sa chat pero hindi naman talaga natawa sa totoong buhay. Ginagamit pag nahihiya sa kausap. Baka kasi nag-effort magpatawa 'yung kausap, tumawa ka naman, kahit de-type lang.
Hehe
Katulad rin ng Haha, ginagamit rin itong pamalit ng dead air. Hindi ito madalas gamitin sa kaparehong kasarian dahil may pagkamalandi't pagkamahinhin ito. Ginagamit rin ito kapag walang natawa sa joke ng isa. Para di naman mapahiya ang korni. Mabait at mahiyain ang tawang ito.
Hihi
Maloko ka kapag lalake ang nagsabi sa'yo nito. Maspinalanding Hehe ang Hihi at hindi 'yon ginagamit madalas ng lalake, nakakakilabot. At kapag ginamit naman ng babae, tila binubuksan nito ang sarili sa malaswang gawain, nagpapakahina at nang-aakit. O kung hindi man, nagpapakabanal at tipid sa tawa ang magsabi nito.
Hahaha
Unti-unti nang nawawala ang hiyang pumapagitan sa magkausap kapag nasabi ito. Hindi na 'to tulad ng haha dahil sa Hahaha, medyo natatawa na rin sa totoong buhay ang may sabi. Kung ang Haha ay :), ang Hahaha ay :)).
Hahahaha hanggang Hahahahahaha
Muntik ka nang matawa. Sobra. Matutuwa nalang ang kausap mo dahil natawa ka nang husto sa sinabi niya. Eto ang gustong marinig o mabasa ng taong nagjoke o nag-effort magpatawa o natural na nakakatawa. =)) na at hindi maikakaila, nagiging maskomportable na kayo ng kausap mo sa isa't-isa.
Hahahahahahaha hanggang HAHAHAHAHAHAHAHAHA....
OA na. Kung alam mong nakakatawa nga yung sinabi mo at sinabihan ka nyan, ok. Pero kung pati ikaw nakornihan sa sinabi mo, nang-aasar na 'yan. 'Wag ka nang magjoke, mababara ka lang. Makitawa ka nalang, HAHAHAHAHA.
Huhuhu
Pakyu.
--
Sa pag-ibig,
Haha
tas
Hehe
tas
Hihi
tas
Hahaha
tas
Hahahaha hanggang Hahahahaha
tas
Hahahahahaha hanggang HAHAHAHAHAHAHA...
tas
Huhuhu
----
P.S. Syempre di pa ko nakaka-ibig. Base lang 'yan sa obserbasyon sa tao, sa pelikula't mga nababasa.
6 comments:
nice layout! wow pano gawin yung top blogs at site meter? sorry wala akong ganong alam sa ganyan. haha. parang ang sarap ngumiti dahil sa picture.
'yung sa topblogs, punta ka lang sa Top Blogs at isubmit ang blog mo. Tas 'yun. Paramihan ng viewers.
'Yung site meter, gawa ka sa www.sitemeter.com tas kunin mo ung html file at gawa ka nalang ulit ng text gadgets at iinsert yang mga yan sa html.
haha. ansaya ng ngiti nya e. parang nag-inhale muna.
hahahah. coolness ng top blogs ako din ahh!. oy gelo wala lng. nbsa ko sa txt yung "hehe" daw ang bastos . oh well not a big deal hahahahaa (ok?) :))
baket dw bastos ung hehe? hahaha
diba nga kasi tunog manyak. wahah. parang sneaky snicker. WAHAHA. tama ba krizia?
ahhh hahaha. hehe. wtf
Post a Comment