This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Thursday, October 15, 2009

Ang Kandila Kapag Brown-out


Dilim.

'Yan ang mangyayari sa kabila ng init na dala ng pagbabagong klima. Mamamatay ang kuryente dahil sa init na nagdadala ng bagyo. Matatakot ang lahat. Matataranta, magkakagulo, mamamatay ang lahat.

Pero may buwan at mga bituin.

Mga liwanag sa dilim. Minsan natutuwa pa 'ko kapag namamatayan kami ng kuryente. Andilim eh. Wala akong pwedeng gawin kundi matulog. Sa dilim nagtatago ang mga sikreto at ang pagtulog ay isa sa mga sikretong bagay na hindi naman talaga ginagawa sa harap ng madla (liban siguro sa school). Patay rin ang kompyuter. Patay ang tv. Walang kuryente. Walang tukso. Natutuwa ako kasi bumababa ang singil sa'min ng Meralco. At maslalo akong natutuwa dahil bumababa ang carbon emission (hayop) namin dahil patay ang ref at kung anupang kasangkapang tumutulong sa pagdami nito. Nakakakita ako ng liwanag sa dilim, ng pag-asang hindi pa magugunaw ang mundo. Nararamdaman kong lumalamig ang panahon sa tuwing nagbabrown out. Nararamdaman kong kaya pang sugpuin ang global warming. Narinig ko sa tv kanina, "tayo ang sumira sa mundo, tayo rin ang makapagbabalik nito sa kaayusan" (parang ganyan). Sana nga kaya. Isang matinding wake-up call si Ondoy at Pepeng dahil hindi pa tayo nadala kay Milenyo at Reming noon. At sana, naintindihan na rin ng tao ang nagagawa ng simpleng pagtatapon ng balat ng kendi sa kalsada. Sana naindintidhan na ng tao na lahat ay konektado at sana, ang intindihin ng tao ay hindi yung paglikas nila sa isang mataas na lugar para makaiwas sa baha, kundi ang pagtulong sa ikabubuti ng kalikasan para makaiwas sa baha. May liwanag pa naman.

2 comments:

Samantha Coronado said...

ano yung picture na yan? sa gym o kung ano? yes nakakade-stress din ang walang kuryente. nppwersang matulog ng maaga.

Gelo said...

oo, sa gym nung nagbrown-out sa up.