This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Monday, October 5, 2009

Balagtasan


Sinubukan ko kung masmakabago na ang kabataan ngayon. Naghahanap ng maikling tulang tagalog ang kapatid kong nasa first year high school na. Marami ako niyan syempre, 'yung 'di akin ha. 'Yung mga readings ko. Kaya hinalungkat ko pa talaga mga kagamitan ko.
Tas ayun, jackpot. Binigay ko yung Gahasa ni Joi Barrios mula sa Humanidades 1 at Pan Pil 19 class ko.

Ihanda ang  mga ebidensya.

Eksibit Blg. 1: Patalim, baril
         o kahit anong sandata,
         patunay ng pagbabanta.

Eksibit Blg. 2: Panty na may mantsa,
        patunay ng kabirhenan ng dalaga.

Eksibit Blg. 3: Sertipikasyon ng doktor,
        patunay na -
        a. sapilitan
        b. lubusan
        ang pagpasok ng ari,

Eksibit Blg. 4: Sertipikasyon ng pagkatao
      patunay ng hindi pagiging puta.

Ipasok sa hukuman ang nasasakdal.
Iharap sa hukuman ang nagsasakdal.
Simulan ang panggagahasa.

(1990)

""---------

'Yan 'yung binigay ko. Natawa siya. Sabi ko okay lang 'yan. Ang ikli nga o. Sabi niya papagalitan daw siya ng titser. Magtatawanan daw mga kaklase niya. Sabi ko, pag pinagalitan ka, pagalitan mo rin. Ang ganda-ganda nga nung tula eh. Tapos ayun, binasa ko nga. Natawa rin ako dahil inimagine kong irerecite niya yun sa klase, at pagkasambit palang malamang ng mga salitang panty na may mantsa, pagpasok ng ari at puta, magugulat na ang klase. Sandamakmak na panghuhusga na ang matatanggap.

Odi sige, binigyan ko pa ng isa, tungkol naman sa regla. Ayaw pa rin. Ang pinili ay 'yung Ako ang Daigdig ni Alejandro G. Abadilla. Madali lang kasi i memorya.

Ako
ang daigdig

ako ang tula

ako
ang daigdig
ang tula

ako
ang daigdig
ng tula
ang tula
ng daigdig

ako
ang walang maliw na ako ...

---
basta ganyan ganyan lang.
Pero sentro 'yan ng modernong panulaang Filipino.

O yun.
Haha. Ambisyoso ako masyado. Persyir pa lang ang kapatid ko pinapaganon ko na. haha.
Di bale, darating ang panahong seseryosohin nila ang ganoong tula.

No comments: