Parang first day of school muli (dahil sa isang linggong pagsususpinde ng klase) at desidido akong gawin itong maganda dahil ito rin ang last week o 2nd to the last week ng semestre. 4:30n.u. ako natulog. 6:30n.u. (nasobrahan) ako nagising. 7:30n.u. na 'ko nakaalis ng bahay. Lampas 9 ako nakarating sa 8:30 kong klase. Akala ko may report kami, buti wala. Sana napansin rin ni ma'am ang grand enrance ko at ilista ko sa mga attendance sheet. Ayos, good morning.
Mahangin. Naglakad ako pa-econ. Good news. Ang dating chapters 11-19 na coverage ng 3rd long exam ay naging chapters 11-15 nalang. Pambihira di ko pa tapos aralin ung chapter 14. Buti nalang talaga. Masaya ulit ang umaga dahil nakakahawa ang energy ni Denden.
Comm 3 na at impromptu speeches na. Ngatog na ngatog kami. Natawag ako. Unang tanong na nabunot ko, sino daw sa Comm 3 classmates ko ang pipiliin kong maging boyfriend o girlfriend. Ayoko nun at pinalitan agad. Do you procrastinate (delay)? ang tanong. Okay na 'yun. Wala akong maisip kundi si Ondoy kaya binanggit ko na rin siya. 1.75. Mababa kumpara sa karamihan ng klase pero okay na. Masaya pa at di na kailangan mamroblema sa extemporaneous speech dahil papalitan ito ng impromptu.
Problema-free akong pumunta sa gym para magp.e. Medyo bigay todo na 'ko tulad noong nakaraang pagkikita dahil malapit na ang pinaka-performance. Pawis. Patuyo ng pawis. Palit.
Pumunta akong Cubao. Doon daw kasi maraming ukay-ukay. Ayos pala dun sa cubao part ng EDSA. Parang andon na lahat, more affordable pa. Ang kinaiba lang ay ang kawalan ng aircon. Ayoko ng pawis, dagdag stress. Buti't nahanap ko na 'yung ukay-ukay na sinasabi ni Yadao at doon nakahanap ako ng kahit papano'y pede nang cargo pants para sa costume sa PE. 'Yung P265 ay nagawa ko pang P250. Sabi nga, "Ask and you MAY receive. Don't ask and ..." Ganon. Tinext ko si Pascua kung nasa gateway siya, sabi niya, mamaya raw. Pinadaan ko ang mamaya at tinanong siya kung anong oras at kung may kasama siya, si Sto. Domingo na ang nagreply. Ayun, pumunta silang Gateway. Pagkarating nila, nakita ko sila kaso nasa fully booked ako at may bag na kailangang kunin sa package counter kaya di agad nakalabas. Paglabas ko, wala na sila. Nabadtrip na 'ko. Good day gone bad. Naglibot-libot lang ako sa Gateway habang katext si Sto. Domingo. Nakita ko pa nga si Sir Dedace. Gaguhan kung gaguhan. Kumain ako sa KFC mag-isa at nagbalak umuwi na.
Salamat at gininaw ako sa KFC. Natakpan yung nararamdaman kong galit. Okay na 'ko. Pinuntahan ko na sila. Medyo awkward pa nung pagkita pero nag-initiate na 'ko para maset ung mood. At 'yun, good good na. Same old lokohan gaguhan. Yoko lang talaga 'yung pinag-uusapan pa 'yung course ko. (Ilang beses na kasing pinag-usapan 'yun. Ayoko talaga ng paulet-ulet. Inaasahan kong pag nagkwento ako at dahil bihira ako magkwento, nakikinig nang mabuti 'yung kinekwentuhan, ayoko nang umuulit.) Buti nalang at inaantok ako dahil pinuyat ako ni Yadao.
Pag kasi nakatulog na 'ko, tas biglang tinapik ako, may nag-ingay o may bumukas ng ilaw, sasapakin ko 'yung nanggising. Medyo ganon ako kanina. Parang tipsy't pabagsak na sa kama. Kaya medyo parang lasing at salita't kilos lang sa paraang komportable. Good good. Good day gone better. At pinabetter pa nang makita ko si wesley at ang kanyang kaibigang si Liezl sa sakayan pauwe. Tapos sumakay bigla si Iriz. Yun. Bukas na kwentuhan with Sto. Domingo sa dyip. Buti nalang may ganon.
At ngayon, naalala ko, kapag nga pala kulang sa tulog o walang tulog, nababangag. At good 'yun. At pag madaming kasama, better.
Gusto ko na talagang magsembreak at magsleepoverS!
At oo nga pala,
gusto ko na talagang humiga at matulog. good night. Good week good week good week.
No comments:
Post a Comment