Noong isang araw, isang oras halos akong hinarap ng kunsensiya.
May malnourished na mamang masmatanda pa sa'kin, karga-karga ng isang babaeng hindi ko alam kung ina. Ayokong tumingin. Baka kasi makita niya 'ko. Baka isipin niya nilalait ko siya sa isip ko, baka isipin niya minamata ko siya. Ayoko yun. Gusto ko maramdamman niyang normal lang siya at 'di kapansin-pansin. Pero hinde, sumisilip ako pag napapnasin kong di nakaharap sakin yung ulo niya.
Noon, nung bata pa 'ko, madalas ang tuksuhan ng malnourished, abnoy, at sped. Noong 2nd year kami, tinutukso yung isa na may jacob's syndrome daw. Bandang 4th year, nauso ang autism. Ito'y mga sakit, karamihan yata'y genetic. Pero sinasabi namin/natin sa ibang wala non. Ngayong nakita ko nang harap-harapan kung ano ang malnourished, naisip ko, gusto ko ba talagang maging malnourished, abnoy, special child, gusto ko ba talagang magkaroon ng sakit ang mga taong "normal" sa paligid ko? Hinde. At lalong hindi ko gugustuhing ako'y maging gano'n.
Minsan nabasa ko sa yahoo groups ng up film institute, may nag open letter daw kay eugene domingo at kay joyce bernal. Ginagamit daw kasi ang salitang autistic sa masamang paraan doon sa Kimmy Dora. Agad namang humingi ng tawad ang dalawa.
Wala. 'Yung mga ganong karamdamang pinanunukso ko noon sa iba, 'yon ay ilan sa mga gusto kong mawala nang tuluyan sa mundong ito. Nangangako ako na simula ngayon, 'di na 'ko gagamit ng mga sakit upang manukso ng ibang tao.

3 comments:
di naman sa masama. di ka lang fit sa mga taong nasa paligid mo. sinasabi lang na ibang group ng mga tao dapat ang mga kasama mo.
ako mga kasama ko sa beda mga weird people. kasi gusto ko maging weird. weird = unique = fun = kewl = win
\m/
jio, good for you.
Post a Comment