This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Sunday, October 4, 2009

Inggit

Kasalukuyan akong naiinggit. Isang memo para sa mga mag-aaral ng Ateneo ang nabasa ko. [click here]  Optional na sa kanila ang finals at ang iba pang requirements. Ang natitira nilang araw ay parang diskusyon na lamang tungkol sa mga bagyong tulad ni Ondoy at paghahanda rito.

Madami pa 'kong dapat gawin. Sobra. Next week na pasahan. Naiinggit ako kasi kung 'yung pinatupad sa Ateneo ay yung ipatutupad rin samin, wala na kong pinoproblema.

Pero ako pala ang dapat kainggitan. $*$!&%^ NGA NAMAN TALAGA kung kasama ako sa mga nabiktima ni Ondoy. Isang linggo rin talaga akong maglilinis ng bahay at sa isang linggong yun, hindi pa talaga malinis ang bahay. Isang linggo rin talaga akong hindi makakapag-aral kung naglilinis ako. At mas-iintindihin ko talaga ang kalagayan ng kung anumang pinerwisyo ng bagyo. Kawawa naman ako kung ganon. Marapat nga talaga siguro yung ginawa ng Ateneo. Swerte ko, at dapat talaga magpasalamat ako sa kung sino man. Pwedeng sa Diyos, pwede sa mother nature, pwede kay Buddha. Basta, maging thankful lang na hindi ako naghirap at naghihirap sa pinsala ng nakaraang bagyo.

Oh well, wala namang magagawa, mag-aral nalang ulet. 1 week nalang naman at dalawang araw ng finals.

Takte talaga't natambakan ng UE ang Ateneo kanina.
GO ATENEO!

2 comments:

Samantha Coronado said...

ayoko na din mag-review para sa exams. nakakaiyak. HAHA.

Gelo said...

Oo grabe. solb na ko sa 1.75. baka bumababa pa dahil sa finals. katamad talaga mag-aral.