This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, October 16, 2009

..l.. group

Ayoko na.

Parang antagal ko nang sinimulan 'yung sinasabi nilang hell week. Parang antagal ko nang inasam-asam na matatapos rin tong hell "week". Parang antagal ko nang binibilang ang natitirang araw ng semestre. Hindi pa rin matapos-tapos.

Dalawang overnight term papers ang gagawin... by group. Hindi ko alam kung maganda nga yung by group. Oo, tutulungan ka. Pero sa stat, kapag masmarami, maslumalaki yung chance na mataas ung variance, yung pagkakaiba. Kaya mahirap. Andami kasing dahilan. May finals sa ganto sa ganyan. Para namang wala akong iniintinding ibang bagay. Parang sila lang ang dapat intindihin. Nadedelay tuloy, hanggang sa magcram. Ang hirap din kapag naiiwanan kang nanghuhula. Kakausapin ka sabay pag sinagot mo na at nagtanong ka, wala na. Ang hirap ng gagawin. At maslalo yatang mahirap yung pag-aantay ng gagawin. May plano naman kasi sila kaya yun nalang ang susundin. Ang problema, ewan kung kelan makararating sa'kin yung dapat kong gawin. Ang hirap talaga ng nanghuhula. Wala akong ginagawa pero alam kong dapat meron... pero wala. Kaya nag-aantay ako ng gagawin. Nasasayang ang oras. Buti sana kung wala lang eh. Ang hirap talaga kausap ng mga taong egocentric. Tapos ako yung babagsak. Hindi ako papayag. Sana pumayag si ma'am sa balak kong gawin.

Dalawang term paper nalang naman eh. Hindi na ko magfafinals sa econ dahil sa dalawang 'to. Pero may buhay pa rin naman ako. Aalis ako bukas at hindi magiging hadlang 'tong mga dapat kong gawin ngayon na ipinapaliban ng iba bukas. Ayoko.

Onti nalang talaga, pipiglas na 'ko.

------
labinlimang minutong galit sa mundo

2 comments:

Aaron said...

buti ka nga may option na kumalas eh ako wala.cornered

Gelo said...

o pero di na rin naman pumayag si ma'am.
sundin mo nalang ung sinasabi ng lider-lideran mo hanggang matapos na.