This blog will redirect 2 http://trancemp3s.blogspot.com/ in 6 secs

Friday, June 19, 2009

Bilog ang Tao

Ang tao, parang mundo yan e. Sa ibang parte, mainit, sa iba malamig. Sa ibang parte, maraming tao, sa iba onti lang. Lahat na, ihalintulad mo. Pero ang tao, hindi magiging parang globe na pwede mong ikut-ikutin para hanapin kung san maganda lumugar.

Narealize ko kailan lang na hindi parating ibig sabihin na kapag kaibigan ko si Ganito at kaaway mo si Ganito, maskilala ko na siya kaysa sa pagkakakilanlan mo kay Ganito. Hindi pala ganoon. Kung kaibigan kita at pipilitin kitang kaibiganin si Ganito at sabihin mo sakin na ayaw mo kasi kaaway mo siya, WALA AKONG KARAPATAN na sabihin sayo na "hindi mo pa kasi siya nakikilala." Ang totoo nyan, nakilala mo na rin talaga siya. Magkaibang sulok lang yung nalapitan natin kaya magkaiba ang nangyari (at syempre madami pang ibang factors). Malay mo, pag nakilala mo pa si Ganito sa paraan ng pagkakakilala ko, maging kaibigan mo. At pag makilala ko si Ganito sa sulok na kinilala mo, maging kaaway ko pa. Kaya naman lahat siguro ng nakakasalubong/namemake contact with natin, kilala tayo kahit papaano. Sabi nga sa Comm 3 kahapon, "Communication is inevitable and irreversible." Kung pano ka tinrato ni Ganito, siya na 'yun. Kung nagpapanggap lang si Ganito noong panahon na 'yun, siya pa rin 'yun, mapagpanggap siya (kung gusto mong ilabel) noong panahong iyon. 'Yung nagtatagal lang siguro kasama si Ganito, yun yung mga nakakalibot lalo sa kanyang mundo. Sabi nga rin sa Comm 3 kahapon (Comm 3 ako nang Comm 3), "Communication is a process of adjustment." Habang tumatagal ang pagsasama, dumadami ang commonalities ng dalawang partido, nag-aaway man o hindi, nag-aadjust sila sa isa't-isa. Sa kaso ng magkaibigan, pag nagkakasundo sila sa mga bagay, lumalaki ang "adjustment" nila. Sa kaso ng magkaaway, habang tumatagal, nalalaman nila kung ano ang ayaw ng kalaban, saka lumalaki ang "adjustment" nila.

Muli, ang tao nga ay parang mundo. Umiikot, nagbabago kasabay ang panahon. Umuunlad o nasisira, depende sa taong naninirahan (sumasama) dito. Umiikot sa kamay ng isa o ilang gabay. Hindi ito patag na walang lubak. At marahil, 3/4 tubig, 1/4 lupa. Kung 3/4 good at 1/4 evil o 3/4 kaluluwa at 1/4 katawan, ikaw na ang bahala doon.

2 comments:

Samantha said...

yes, speech comm! haha lumalawak ba ang 'field of experience'? :] naiisip ko si 'hate that i love you' habang binabasa to. di kami naging close sa beda, parang nung college ko lang nga siya talagang nakilala. kaya siguro di ko siya majudge na kung sino siya kundi sa ginawa nia lang sakin (parang anlalim ah. haha). hindi kami nag-ikutan ng mundo. pero sabi nga din sa fil 40 "kung mas may alam ka dapat ikaw yung patient, hindi ka naman natuto para kumitid ang utak diba?" nagmamarunong ako kaya magiging patient na lang ako. haha. so hindi na "sides" meron ang tao? kasi parang box yung may side eh. hcurves nlang? haha. para kunwari di "kinakahon" yung tao. ay ewan. :]

Gelo said...

haha okay lang yan. tingin ko kaya pa naman maglibutan ng kanya-kanyang mundo. hindi ko nagets ung quote mo from fil40 in relation to the topic haha. sa "sides", hindi ko alam kung pano tutugon. haha. siguro depende nalang sa analogy. hm. kung tao ay parang box... sa unang tingin, makikitaan mo ng sides. pero pagtagal, mabubuksan mo yung kahon at mababaliwala ang sides. so walang kwenta rin ung analogy ko. haha. basta, depende na sa analogy. haha.