HAPPY FATHERS DAY
sa ama niyong haligi ng tahanan, sa tatay niyong taga-taguyod ng pamilya, sa itay niyong kumakayod para magkapera, sa daddy niyong masarap kasama, sa papa mong puno ng pagmamahal at tagabigay ligaya
at sa ama kong hindi.
Marami na sigurong nacurious sa pagkatao ng aking ama. Marami na talaga. Pati nga guidance councilor namin nung high school e nagtanong tungkol sa kanya. Pa'no, hindi ko rin naman talaga maramdaman at hindi ko na rin pinaparamdam sa iba. Baka nga madami nang alam ang ibang tao tungkol sa nanay ko (tinatawag pa nga sa first name na first name lang at walang tita o kung anuman, syempre pag wala lang siya). Pero pagdating sa tatay ko, shut up nalang ako. Nasabi ko lang ung pangalan niya nung tinanong ako nun kasi lasing ako, pero malamang nalimutan na rin nila yun. Hindi naman kasi talaga siya magandang pag-usapan. Wala akong maisip na magandang sasabihin kapag ama na ang topic. Siguro yung mga biodata lang tulad ng ilan silang magkakapatid at kung pang-ilan siya (na sinasabi lang naman para magkuwento kahit papano tungkol sa relatives). Naalala ko tuloy nung binanggit ni Neil na nung nagpunta sila samin, para daw silang hostage (o kriminal ba?) na tinatago-tago ("Pwede na ba kami lumabas?"). Hahaha. Isa kasi sa tatlo o apat kong dahilan kung bakit ayokong magpapunta ng tao sa bahay e ang tatay ko. Nakakalungkot mang isipin, siguro kahit papano ay kinakahiya ko siya... ng onti siguro. Pero kasi may S yun palagi. Baka pag may papuntahin akong bisita, matyempong may S yun, nakakahiya naman. Sobrang GALIT lang talaga ang aabutin ko. Kanina nga, may S ulit siya. Nagising nalang ako mula sa tulog dahil SOBRANG lakas ng tv sa baba, nakafull volume. hay. Tapos ilang sandali pa e umiiyak na yung kapatid kong babae kay Mama. Wala. Sanay na'ko. Dami pa. Baka nga madami pang pedeng ikwento tungkol sa kanya. Puro kasiraan nga lang niya. Sabi nga ni Mama, ang bawat pamilya daw ay may special child (NA HINDI KO SINASANG-AYUNAN DAHIL MAY MGA ALAM AKONG PAMILYA NA MATINONG-MATINO AT KINAIINGGITAN KO, kahit na alam kong masamang mainggit). Siya na siguro yung amin kung hindi ako. Actually, ayaw ni Mama na nagkekwento 'ko ng family problem sa iba. Siguro nakakahiya para sa kanya bilang tagatayo ng pamilya. Eh, okay lang yan. Blog ko naman 'to. At hindi ko naman na pinoproblema pa 'yun. Tanggap ko na 'yun, realidad na yun. Sa bagay, ang problema naman ay realidad. Ha na. (Babaguhin ko nalang ang pangalan ko.)
Muli, di ko naman nga ikinalulungkot 'yun. Sabi nga ni Chiz Escudero nang tanungin siya sa Ateneo kamakailan lang kung ano ang naitulong ni Pangulong Arroyo sa bansa (paraphrased), "hinimok niya ang mga Pilipino na matalinong bumoto at pumili ng maayos na lider." Sa'kin, alam ko na siguro kung ano ang hindi dapat sa pagiging ama. Maiiwasan ko na ang ayaw ng magiging anak. At pagka-ama na ako, bawat taon, mayroong batang sincere na magsasabi sa'kin ng "Happy Father's Day."
2 comments:
buti naman hindi mo totally pinoproblema yan. madali kasing maglungkot-lungkutan sa ganyang bagay. :) pinakamabigat na problema na yata ang family-related.. mahirap ikwento kasi internal yun. parang isang malaking atake sa loob pag sinabi sa iba. haha. napaka-vulnerable na agad. alam ko na ibig sabihin ng S. tama.. may mga family nga na parang ang swerte-swerte. i mean, one thing yung mahirap ang family mo pero ayos na yun kesa may isang hindi okay sa pamilya. sige, happy father's day sa kanya. he taught you something valuable.
hm oo. Pag-inisip nga siguro, madaling problemahin. Buti nalang wala na 'kong masyadong paki. hmm. ayos lang naman na may magkwento sakin ng family problems. baka lalo akong mabilib sa tao. baka lalo ko silang maintindihan. pero pag ako na nga, di bale nalang. haha sige nga ano ibig sabihin ng may S? hahay oo nga. mahirap din ung may isa ngang hindi okay sa pamilya. oh well. happy father's day sa dad mo.
Post a Comment